Ang Amag,El Nino at ang mga Tala

June 10, 2009

Oo,. tama ka ng nabasa, El Nino na ata ang magulong utak ko dahil tigang na tigang na ito sa katas ng paglikha ng magandang aritkulong inyong mababasa. Sabagay , may dahilan naman ako kaya biglang hiatus ang drama ko.Naging busy naman ako sa hospital duty at wala na akong time para magsulat pa dahil pagod at pagal na ang aking katawan… hahaha. Like krezei, its like i was raped ng paulit  ulit kaya biglang napagod hahaha pero joke lng..

Sabagay, pag busy ka talaga busy ka talaga wala ka ng magagawa dun lalo pa’t isa kong medical ninja. Walang araw na walang pasok at laging on -call ka sa trabaho. Pumayat na nga ako dahil sa katoxican ng hospital subalit ngunit datapwat hahaha bagamat full suport ang aking serbisyo nanatili paring wala akong sahod ni singkong duling. Ang sama noh? kaya nga siguro nagtataka ka  ngayon bakit mayron na akong oras para gumawa ng ganito?  Tama, hula mo RESIGNED na ko sa trabaho.

Di lang pala, utak ko ang inaamag na pati carreer ko inamag at in- El Nino na din. Kung pwde lang magmura ginawa ko na pero di na ko tulad ng dati na walang kiyeme at walang pakundangan ang pagmumura sa kapwa,sa aso, at kahit sino pa. Iba na kasi ngayon, nabago na ang standards ng aba ninyong lingkod. Good boy na ‘to mga tolits!!!  Kaya naman maingat na ako sa pagsasalita ngayon- I’m a considerate man na po ngayon.hehehe. EL Nino talaga ang buhay ko ngayon, dati kasi yuppie ako as in young professional pero ngayon bigla biglang nademote ako sa pagiging P.T(di patay gutom ha pero medyo malapit lapit na) as in Professional Tambay. Ayaw ko namang isisi kay Pangulong GMA at alam ko namang marami na siyang alalahanin sa buhay. ika nga ENOUGH IS ENOUGH. Para nga talagang gulong ang buhay hanu po…(labas sa ilong eh)  minsan sa taas minsan sa baba.. pero siyempre sabi nga ni Noel Cabahug ; pana-panahon lang yan…

 Makaemote na nga lang  at umadlib ng, ” Bukas luluhod din ang mga tala.. “

Posted by ninjacreatesbloggy at 10:58 pm | permalink | comments[4]

Realization Momentum

April 29, 2009

    Kanina pa ko naglalakad sa kahabaan ng downtown ng Dagupan City. At patuloy parin ako sa pagmumuni-muni sa mga bagay na aking napgtatanto. Naisip ko lang, darating pala yung oras na kahit na ayaw mong mag-isip- namamalayan mo nalang na ang isang bahagi ng iyong sarili ay unti -unti ng nagiging biktima ng iyong mapaglarong obserbasyon at imahinasyon. Para bang ikaw  iyong alitaptap at ang paligid mo ang mapanuksong lampara. Ang lamparang sumilaw sa iyong manhid na pandama.

    Sumakay ako ng jipney upang makapunta sa ospital.Kukunin ko kasi ang mga lab results ng isang malapit sa akin. Napagtanto ko na malalaman mo nalang talaga ang halaga ng isang tao, kung dumating iyong panahon na unti-unti nang nawawala ang apoy sa buhay nila. Sabi nga ng iba, pag dumating ang panahon na iyon makokonsidera na iyong learning experience at hindi ito makukuha ng 100% kung hindi mo ito masusubukan. Dagli akong namulat sa isang bagong rebelasyon ng malaman kong may dinaramdam ang isang taong mahalaga sa akin. Mas lalo ko siyang pinahalagahan at mas lalong pinag-ukulan ng pansin dahil sa nagyari. Hindi mo talaga alam kung gaano kabilis ang buhay at malalaman mo na lang na unti-unti na palang nauubos ang ningas at apoy ng iyong mga mahal dahil sa pagkakasakit.Dahan- dahang nawawala ang liyab.

    Habang naglalakad ako, namulat ako sa hirap ng buhay. Habang pinagmamasdan ko ang mga ka-batch kong mukhang succesful na sa kani- kanilang piniling larangan. Hindi ko maiwasang hindi sundutin ng inggit. Inggit na sana ganun din ako. Subalit, ewan ko ba at kahit na wala akong balat sa puwet eh inaambunan pa rin  ako ng kamalasan.(Hmmm..di naman siguro ano?) May naisip narin akong mga ideya kung bakit ganito parin ang takbo ng buhay ko ngayon. Una, siguro hindi lang talaga ako sumubok ng mas mabuti. Pero, hindi rin siguro kasi ginawa ko na halos lahat makahanap lang ng  matatawag na matinong trabaho. Oops, hindi  din pala lahat kasi kong ginawa ko na lahat sabi ng iba tiyak may trabaho na ako. Pangalawa, maaaring sinuwerte lang sila at ako hindi gaanong kasuwerte. Pero itigil na nga natin ang usapang swerte-malas na iyan, mas naniniwala kasi ako sa will ni Papa Jesuzzz at tamang diskarte sa buhay. Pangatlo, marahil nga nagkulang lang ako sa diskarte.Kahit na alin pa man ang tama sa ideya ko, (o kahit walang tama sa nabanggit)hindi ko parin matatakasan ang katotohanan na may trabaho nga akong matatawag, wala naman akong sweldo ni karampot na piso. 

 

    Bago ako kumain, napasilip ako sa salamin ng karenderyang pinagkakanan ko at naalala ang mga naggagandahan at nagkikisigang mga medical representatives na dumadalaw sa ospital na pinagtratrabahuan ko. Narealize ko na ayaw ko talagang maging panget. Ayoko din na nagmumukha akong matanda. Sinundot ako uli ng inggit dahil kabaliktaran talaga ng kalagayan nila ang kalagayan ko ngayon. P-U-MA-N-G-E-T ako sa madaling salita.Puno ng mantika at samut-saring tigidig ang nagpasasa sa mukha ko. In-allergy ako sa gamit kong sabon at nagkaroon ako ng pantal-pantal sa mukha. nagbalat ang aking mukha. Ayaw kong maging panget at di ko rin iyon pinangarap, narealize ko takot ako pag nangyari iyon.hehehe.. Isa itong wake up call para sa’kin.

    Habang papuntas ako ng Dagupan City, nakakita ako ng isang askal. At naisip ko kung ano kaya ang opinyon nito sa mga naggagandahang breed ng aso na sisila ngayong “in” sa mata ng tao? Alam kong hindi pantay ang turing nating mga Pinoy sa mga foreign breeds at sa hamak na mga asong kalye lang. Habang nagpapakasasa ang mga Poodle, Terrier at iba pa sa mga de-klas na mga dog food; nagtitiis naman ang mga askal sa tira-tira at dugyot nating basura. Habang ang mga foreign breeds ay super at over sa ating pag-aalaga, ang mga askal nama’y biktima ng malupit at walang awang habas na pagkatay.- Asucena.Ang mga foreign breeds ay kasabay natin sa pagkain samantalang ang  mga askal nama’y mistulang pinagkaitan ng karapatan at hustisya dahil sila na ang nagiging ulam at pulutan ng mga manginginom at namumulutan. Isang magandang halimbawa ng opresyong nangyayari sa mga mahihirap mula sa mga makapangyarihang nakatataas.

    Narealize ko na maganda palang matuto at mamulat sa ating kapaligiran. Mapalad ang ilan ay nakukuha ito ng libre,ang iba, sandamakmak pang mga sugat ang inaabot mapagtanto lang ang dapat matutunan. Narealize ko na marami palang dapat matutunan maging bukas ka lang dapat at welcoming para matuto. Madali lang pag willing kang mag-obserba. Masarap pala matuto, masarap pala mabuhay pero minsan masakit din pala kung  paano magturo ang buhay lalo na sa kagaya kong may katigasan(ang ulo). Masakit pero iyon iyong mga bagay na hinding- hindi mo makakalimutan. Narealize ko lang.

 

 

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 2:20 pm | permalink | comments[3]

Ampalaya Bits and Lollipops

April 20, 2009

     Sarap na sarap ang bata habang dinidilaan nito ang icecream na unti- unti ng natutunaw. Nakakaaliw talagang pagmasdan ang pamangkin ko. Ang maamo nitong mukha na di kakikitaan ng anumang bahid ng problema. Ang tanging banaag sa maamo nitong mukha ay ang kasiyahan na dulot ng pagdila sa natutunaw, matamis at malamig na icecream;panandaliang lunas sa   nararamdaman nitong init dala ng summer. Maamo talaga n g mukha ng pamangkin ko. Siyempre pa kanino pa magmamana kundi sa lahi din namin. Di naman sa pagmamayabang nakakaangat naman ng konti sa nakakrami ang itsura ng aming angkan. hindi lang siguro artistahin na maituturing  pero hindi naman maituturing  at masasabing pinagkaitan ng mukha in short- PANGET.

     Naisip ko lang nakakainggit ang pagiging bata. Puno ng kasinosentehan, puno ng pag-asa, ng pangarap, ng buhay. Samantalang tayong mga may edad na at meron ng sariling pag-iisip ay puno ng agam-agam sa buhay. Naalala ko pa noon na ang tanging iniisip ko lang nung bata ako ay ang makapanood ng paborito kong anime ang X-men, at mga palabas pambata tulad ng Jetman,Power Rangers et cetera et cetera. Yun kasi ang uso noon. Di ka in kong hindi ka nakapanood nun. Kasi basta sa recess yun ang usapan ng lahat. Kung paano natalo ng mga X-men ang mga Sentinels. Yung Paglipad ng mga Jetman at  kung ano ung bagong natutunan sa Sineskwela at ATBP. Those were the times when we as  children are carefree and so vigorous. Ang sarap balik balikan ang nakaraan lalo pat kunh ang childhood mo’y puno ng kulay.

     Samantalang ngayon, wala na akong pagkakataong  para maging bata. Siguro may mga panahong isip bata ako pero isinasantabi ko yun tulad ng ginagawa ng ibang tao. Ganun na ang kalakaran pag tumatanda ka na. Dapat kelangang seryosohin mo ang mga bagay na nakaatang sayo.-Trabaho, pamilya, problema,mga event na kelangan attend-nan at marami pang iba na talaga namang ikakasakit ng ulo mo. Sa pagtanda kasi natin, nawawala na ang mundong nilikha natin nung tayo pa’y bata. Paano nawawala? Untiunti iyong tinitibag ng reyalidad. hindi pala palaging good night at sweet dreams ang sistema. Maraming pagkakataon na laging may monsters sa ilalim ng mga kama natin. Dinadalaw tayo lagi ng mga nightmares kahit pa gamitan natin ito ng pagkadami daming mga dream catchers. Habang lumalaki tayo nabubuo satin na ang tunay na kulay ng mundo at kung ano talaga ang kalakaran ng reyalidad. Hindi pala cotton candy at milyong milyong lolllipops at nips pero meron rin palang ampalaya bits at kalamansi pure juices. Mapait at maasim ang mundo sa sarili nitong paraan. 

     Ngayon ko lang talaga napagtanto,masarap na masarap talagang maging bata. Parang eksena na lagi kang umiinom at kumakain ng mga gusto mo. Napapaligiran ka ng maraming Chuckie, ng Mister Donut, ng Yakult at milyong milyong cake mula sa Red Ribbon. Nagpapakabundat ka at kumakain ng matamis palagi,walang bahid ng problema, ng responsibilidad at ng reyalidad ng mapait,maasim at mapanghusgang mundo. Ganun ang mundo mo pag bata pero darating yung panahon na unti-unti kang masasaktan, mananakit ang iyong mga ngipin dala ng di mo pagtototbrush. Nabungal ka at nabulok ang iyong mga ngipin.

     Ito na yung panahon na kelangan mo ng iwanan ang buhay bata dahil hinuhubog ka na ng mapaglarong mundo. Kelangan mo ng magpabunot ng ngipin kaparehas ng pagbunot sa iyo ng iyong kainosentehan at pagiging bata. Dahan dahang tutubo ang bagong mga ngipin tulad ng pagtubo ng bagong mga ideyolihaya at mga pananaw  sa buhay pag tayo’y lumalaki na. Ang iba nagpupustiso na, tulad ng ibang tao na nagususot ng maskara dahil hindi makayanan ang mga bagong hamon ng kanilang buhay.

     Ang mga bagay siguro na nagpapangii sakin habang nagkakaisip ay iyong ideyang hindi lang ako lumalaki, kundi unti unti din akong nagkakaisip. Namumulat sa mga bagay na bago sakin; mga bagay na hindi mo malalaman at maiintindihan kung bata ka. Lumalakas ka at hindi ka na iyong uhuging bata na laging walang laban sa mga kalaro mong mga demonyito. Lumalawak ang dimensyon ng iyong mundo. Hindi nalang iyong bahay-bahayan ninyo ni Nene o yung Candy house ni Hansel at Gretel. hindi na ganun ang sakop mo. Bagkus, para kang si Alexander The Great na tagumpay na sumasakop ng iyong teritoryo.Kung sakin, pagmemedical ninja, pagsusulat at musika ang dimensiyon ko; iba naman ang sa iyo. Iba din ang sa ibang tao.Ganun ang nagyayari, at masaya ako na malaya tayo kung ano ang pwede nating gawin, kung ano man ang pwede nating gustuhin. Iyon nga lang hindi laging pabor lagi ang panahon satin. Kung bata tayo ay laging sunny day sa pagtanda natin minsan constant ang stormy days ganun talaga kasi ang kalakaran ng mundo at dahil matanda na tayo’t may isip alam na natin ang pait ng reyalidad.

     Sarap na sarap ang bata habang dinidilaan nito ang icecream na unti- unti ng natutunaw. Sana ganun din tayong mga matatanda mulat tayo sa katotohanan ng buhay pero pwede parin tayong kumain ng icecream at mamuhay sa Candy house. Sana… sana.. pero hindi eh, hindi ganun ang kalakaran ng makatotohanan at mapait na mundo ng reyalidad.Hindi sunny days,candies at  sweet lollipops ang kalakaran bagkus ampalaya bits, grow up, be responsible and die ang tema.

 

     Reality bites.Aray…

 

         

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 5:14 pm | permalink | comments[3]

Ang Orocan Syndrome Nga Naman

April 14, 2009

     Ewan ko ba at kahit ilang beses kong ulit uliting isipin kung bakit  ang masiglang ngiti dati rati ng aming mahal na pharmacist slash kahera ng hospital ay biglang napalitan ng kasungitan. Wala naman akong  natatandaang atraso  sa kanya maliban na lamang sa less than one hundred pesos na utang. Bukod dun wala na. As in wala na talaga, kaya abot-abot ang aking pagtataka  kung bakit ganun nalang ako irapan ng walang pag-aalinlangan. Alam ko na matagal na niyang alam na silahis ang asawa niya at alam na rin niya sigurong panakaw akong tsinatsansingan nito. Kaya nga iwas na iwas ako. Ayaw ko yatang mahawakan si Junior ng kung sinu-sino lang lalo na’t hate ko din ang mga manyakis tulad ng kanyang asawa.

     Kanina lang ay tinanog ko sa pharmacist namin kung bakit biglang nagbago ang pagtrato niya sakin. Kung bakit biglang nagbago ang pagtrato niya sakin ngunit busangot at  pagkunot ng noo lang ang kanyang naging tanging tugon. hindi ko na sana ito bibigyang pansin ngunit mahirap talagang ispelingin ang takbo ng utak ng babaeng ito. Para bang sa shoebiz, malutong na intriga. Sa Tate, isang hot and juicy ietm na talaga namang  pagkakaguluhan ng mga paparazzi. Sa mga gadgets, ito  iyong matatawag mong uso.

     Sabagay, uso na talaga ang mga plastik sa mundo. Ano pa nga  ba. Tambak na tambak na nga ang Payatas ng mga samut-saring mga plastic di ba? At pati ang mga tao ngayong panahon ay tila nahahalintulad narin sa iba’t ibang klase ng plastik. May kilala at sosi, iyong iba naman keri lang. Parehas lang naman ang baho parehas lang ang uri. Kalahati o higit sa kalahati siguro ng ‘Pinas  ay apektado na ng Orocan Syndrome.

     Talaga yatang mahirap ng makahanap ng mga tunay na kaibigan ngayon.Halos lahat kasi may tinatagong maskara, parang kaplastikan  ang drama. Akala mo sa umpisa, kauri mo pero iyon pala isa silang napakalaking mga peke. Marami narin akong nakasalamuha at nakadaupang palad  na akala ko maituturing kong mga kaibigan,. Iyon pala hanggang umpisa lang ang lahat at hindi mo namamalayan na unti unti sinasaksak ka patalikod. Namurder ka na pala hindi mo pa alam.  Para silang mga telenovela ng ABS AT GMA na naglipana na kung kelan ka na adik na adik sa panonood ay bigla ka nalang mapapatunganga dahil putol na at bukas na lang uli ang kasunod na istorya. Sinakripisyo mo pa ang hindi pagkain ng hapunan makapanood kalang at hindi mahuli sa plot ng istorya pero ang bottom line ay bitin na bitin ka. AWTZ.. masakit.

     Ganun ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kaibigan na Orocan. Tipong tiwalang tiwala ka sakanila at isang iglap patay ka na pala sa hemorrhage o  excessive bleeding. Yung eksenang dalawa kayong magkasama sa eroplano at tig-isa kayo ng life jacket  pero lantarang at garapalan niyang inaangkin  ang sayo kahit meron na siya. Akala mo okay kayo pero ilusyon lang pala ang lahat dahi ang totoo gustong gusto ka na niyang mawala. At ang iniisip mong pagkakaibigan ay isa palang kahibingan sa kanya.

     Mapalad ako at kahit konti ay mayroon akong matatawag na mga totoong kaibigan, Iyon bang subok na ng panahon tulad ng Motolite battery(hehehe); iyong bang hindi pakitang tao lang ang dating. Lagi silang andiyan sa tabi mo kahit na ikaw na mismo ang tumataboy sa kanila dahil sawa ka na sa pagmumukhan nila(hehehe). Sabi nga ni Jaymie Joaquin ng programang Games Uplate Live,”Mga Kabagang, mga kautotang dila etcera etcera.” Mapalad ako at hindi sila apektado ng Orocan Syndrome.

    Mahirap magtiwala ngayon  at mahirap magkaroon ng sakit ng ulo mula sa mga taong hindi kawalan.Pahiram nalang sa linya ni John Lloyd sa sikat nitong Biogesic Commercial,”Ingat.”

 

      

Posted by ninjacreatesbloggy at 6:41 pm | permalink | comments[6]

Old Mementos

April 4, 2009

      Dalawang araw ng sira ang bulok kong computer. ewan ko ba at biglaan nalang bumigay ang CPU nito. alam ko namang luma na ito pero hindi ko parin inakala na iiwan nalang ako bigla sa ere. hindi tuloy ako makaharap at magdamagang sumubsob sa harap ng monitor makasulat lang ng pwedeng ilagay sa blog na ito.

     Sabagay, madami narin kaming pinagsamahan ni pareng computer. Doon ko ginagawa ang mga resume kong naging dahilian kung bakit ako isang medical ninja ngayon. Doon rin ako unang guawa ng unang video ko para sa Youtube na ngayo’y binura ko na, unang Imeem, magdamagang pagkumpuni ng profile sa Friendster, Multiply at mga social networking sites na nagsisilitawan ngayon. Doon din ako natuloy magblog. Tinangkilik nga ng ilan ang untamed.i.ph. At least hindi ito nilangaw tulad ng nangyayari ngayon sa ninjacreatesbloggy. Mas nakilala kasi siguro ang alyas kong OOOps di na pwedeng banggitin kaysa sa gamit ko ngayong Shinichi Kiddo pero ayos lang natural lang naman siguro na mangamote at langawin ang site na ito ngayon dahil wala pa namang isang buwan ito. Isa pa hindi ko talaga pinagkakalat ang site tulad nalang ng ginawa ko nung una.Hindi naman kasi ako gumawa ng domain para magpa-impress lang sa mga tao. Ekspresyon lang ito ng magulo at makulit na isip ng inyong Yours truly. Balato nalang siguro ang pagtangkilik ninyo sa mga gawa ko.

     Balik tayo sa computer. Tulad ng ibang gamit, marami na din akong napaglumaan. Cellphone,damit digicam atbp kaya nga masakit isipin na ang tanging karamay ko sa pagbloblog ay namaalam nadin. Marahil  tama siguro ang kasabihan na malalaman mo nalang ang halaga ng isang bagay kung wala na ito. Same goes sa tao, marerealize mo nalang na mahalaga pala sila pag dedbol na ang mga ito.Saklap noh? Ironic talaga ang buhay pero ayos padin kasi bilang mga tao we were created to move on. Same with the old gadgets. We need to move on and must embrace the new things. ang mahalaga, huli man na ang lahay natutunan nating mahalin at bigyan ng importansiya ang mga bagay at mga tao ng ating nakaraan.Wala man sila sa tabi natin , baon baon natin ang mga alaala at mga karanasan sa buhay nung kasama pa sila. sapat  para harapin ang bagong hamon ng buhay.

     

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 6:29 pm | permalink | comments[2]

Of Forgiveness & Starting Anew

April 2, 2009

   One thing I’ve learned tonight was that God was so forgiving. Tonight I’ve done something stupid that I certainly thought that made God upset.

   Nevertheless, I repented from it and started anew. I’ve moved on and forgot what made me forsaken and made me broken for quite a while. I never thought that god was so forgiving until now. Truly, Love is God and God is love vice versa. He first showed that by dying on the cross 2000 years ago and now he showed me how he loved me through forgiveness.

    It’s really surprising that when all God is so loving and forgiving, we are the exact opposite. Though we were made through his own likeness(The Bible quoted it so), its odd that we are easily anger and hard to forgive. We are so full of vengeance and hatred we don’t  even understand and unconsciously consumes us and robs us  of our joy and also of those people we aren’t ready to forgive.

    How great is god who shows compassion to us. I know its hard to forgive but trying and making decision to do so is a good start. it’s hard at first but i tell you, eventually it will pass. I’ve tried it and as i made my decision to forgive that someone it felt like the wounds of that betrayal and of that sin or anything eventually healed up.It both benefited me and that someone. Though we in the past hurt one another, it made us realize that both of us need to understand each other more. It also taught us to be sensitive, compassionate not only to those who’ve hurt us but to the other people as well. Forgiving taught us of what we were missing of the times in the past when we weren’t talking. forgiving taught us to be more human.

     I think there are four ways of true  forgivenss. I applied it on myself too. Just check it out, I bet it can help you too.

Step One: Make the decision to forgive.Guys it all start with a choice to change. A decision to change and to do something about the situation  is the right path to healing.

Step Two: Forgive yourself. Forgiving yourself is like giving yourself a fresh cold shower. It refreshes you from all the hurts and gulit you’ve been keeping to yourself for quite a time.

Step Three: Forgive those someone or somebody to hurt you. When forgiving ourselves is like giving a fresh shower  to oneself, forgiving others is like gving and helping others to freshen up.Yuor helping them from the pressures you’ve on ce pass to them. Its like detoxicating them by that its like your detoxicating too from all the suppressed feelings you had before.

Step four: Start anew and  build the gap when both parties are cool with each other. its definitely time to rebuild that gap. Start a new life. Its better to rebuild that friendship that once lost. there’s so much time to catch up from the time you two both lagged behind.

So there you are, my  own four-way of instruction. Its very cool when no one is rob from their joy. So practice forgiveness. It will definitely do good things for you, believe me.

Posted by ninjacreatesbloggy at 7:21 pm | permalink | Add comment

To My Ever Sweet and Loving Nanay

March 26, 2009

Dear Nanay,

     Ewan ko ba at bakit kahit na ilang pokpok na ninyo sa ulo ko ay supeeer sa tigas parin nito.Kung tutuusin ay ibang klase kayong humataw ng aking coconut shell pero isipin ninyo nasa early twenties ko na eh matino parin at masikip ang mga turnilyo ko sa utak. Biro lang Nay, marahil nagugulat ka sa nababasa mo ngayon.. haha.. isang love letter mula sa iyong pilosopong anak. Marahil  ngayon ay hindi ka makaiyak o hindi ka makatawa kung saka sakaling mabasa mo ang mga pinagsusulat ko ngayon. (Siguro nga gulat na gulat ka as in shock as ever,hehe)Pero naisip ko, malamang na kung mangyari mang mabasa mo itong gawa ko ngayon ay tiyak na nagkaroon na ng bagong himala sa mundong ibabaw. Daig pa siguro ito ng Second Coming ni Papa Jesuzz. Kasi alam ko namang bagamat isa kang hippie- ing ina ay hindi ka maihahalintulad sa mga techie at makabagong ina ng kasalukuyan.Hanggang ngayon nga di ba Nokia 3310 parin gamit mo kahit na gusto na kitang bilhan ng bago. Ayaw mo kasi, mahihirapan ka na namang mag-adjust sa bagong modelo.

     Pasensiya na ha, kasi madalas hindi ko sinusunod ang payo mo. You’re so dominating kasi and sometimes it pisses me off.(joke lang) Well, sabihin natin na half truth lang yon. Ang totoo, nagpapasalamat ako dahil naging nanay kita. Hindi ako siguro ako magiging Shinichi Kiddo ngayon kong hindi dahil sa pagmamahal mo. Bagamat may sarili na akong isip at mga kagustuhan sa buhay, hindi ko naman binabalewala ang mga payo ninyo sakin;akala mo lang iyon. Minsan lang kasi, nasosobrahan lang ang pagiging dominating ninyo sa buhay ko. pero okay lang yun. Ganun talaga siguro ang mga nanay..bilang magulang gusto ninyo na mapabuti lang ako.

     Huwag ka sanang magalit dahil nagbloblog ako uli ngayon, ( at ang freshest topic ay ikaw, lagot na!!!), kahit na pinabura mo ang “untamed”(untamed.i.ph) ay hindi parin matiis ng puso ko na hindi humarap sa nakakasilaw at nakakabulag na monitor at tumipa ng tumipa sa luma nating keyboard. Puyat man ako’t pagod sa paggawa ng mga nais kong isaloob sa blog ay nasisiyahan naman ako kahit paano. Alam ko namang private person ka pero ito ang isa sa mga hilig ko - ang pagsusulat. Bagamat sa tingin ng karamihan ay kababawan lang ang aking ginagawa  para sakin ito’y bahagi ng aking sarili at ng aking mga kakayanan, hiling ko na lang ay suportahan ninyo ako sa mga gusto ko at mga pangarap tulad na lang ng pagsama ko sa PDA( ngunit alam kong labag iyon sa mga ibig ninyo sakin). Naway irespeto ninyo ako at ng aking mga gusto tulad nalang ng sandamakmak na pagrespeto ko sa inyo ni Tatay.

      Kung naging pasaway man ako,karamihan doo’y may mga dahilan. Kilala ninyo naman ako, di naman ako padalos-dalos sa mga desisyon ko. Tulad ninyo namana ko ang inyong analytical thinking at systematic planning. Feeling ko tuloy ako si Einstein sa mga namana kong genes sa iny dahil sa mga sinasabi ko ngayon. Salamat dahil bagamat, hindi ako perpektong anak ay nakuha mo parin akong intindihin at alagaan sa laaht ng oras. Naalala mo pa ba nung natusok ang noo ko ng alambre? Andun ka at ikaw ang unang sumaklolo sakin at nagdala sakin sa doktor. Kahit di na makilala ang mukha ko sa mga sulsi ng doktor ay pilit mong pinapalakas ang loob ko at binubuhusan ng iyong pagmamahal.

     Sa mga tae,ihi at sipon na nahawakan mo pati kagat ko sa boobsie mo nung baby pa ko, patawarin mo ako. I’ll never hurt you again,not now that I’m a nurse. Kahit na ba di ko masyadong trip ang propesyon na to ay tinitiis ko.Ganun kita kamahal. I gave up my own personal dreams already and decided to go with your will. Kahit ba mahirap at madalas ay napipilitan lang akong mag duty.Ako na ang mag-aalaga at magbabantay sa inyo dumating man kayo sa Senior Age at makaavail ng discount gamit ang Senior Citizen Card( Sama ninyo ako sa discount ha.hehe) Kung dumating man ang panahon na uugod ugod na kayo ni tatay, wag kayong mag-alala; bilang bunso ng pamilya ayos lang na maging kargo  ko kayo. Pagkakataon mo na ding bumawi pag nagkataon, sa mga tae, ihi,sipon na naipunas ko sa mukha o noong baby pa ako.Pwedeng pwede mo na ding gawin yon sakin pagdating ng araw na iyon.(Wag ka naman po sanang magkaroon ng Alzheimer’s ng di ako masyadong mahirapan, pero ok lang magkaganun man. Tandaan ninyo po na kahit na anung mangyari mahal na mahal ko po kayo.

    Maraming salamat sa pagluwal ninyo sa akin dito sa mundo. Hinding hindi ko po iyon makakalimutan. Ngapala, Hapi Maders Day at Hapi Birthday na din Nay!!!

 

                                                                                                                                                            Ang inyong bunso,

                                                                                                                                                                  Shinichi

 

 

wa      

 

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 12:44 am | permalink | Add comment

Lessons Learned

March 24, 2009

A friend of mine in a chatroom dealt me the great way of earning trust. its not about how  fast you get to know  the person or how many info you have on him. It’s all about learning to stay with each other and then concentrating and developing the unblossom friendship . It’s all  about bridging the differences and learning to fill in the gaps and accepting one’s unique personalities.

I‘ ve learned pretty much of the chatroom now scenario and of dealing with the so-called strangers in the web. I understand now that not all people have the same golden heart which i blindy believed in the past. Some are out there, devills in cute disguises ready to devour and in flict you with much trouble in the end. You just cant turn beer into great beer unless it met its right time process of fermentation. Same with trust, it cannot be earned in an instant, it will definitely get the hell of shit and sweat out of you; trust is earn through hardwork and sacrifice.

<a href=”http://www.mybloglog.com/buzz/community/ninjacreatesbloggy/” rel=”8038c6ad477de36289ece2a641f262e002772b47″>Undergoing MyBlogLog Verification</a>

Posted by ninjacreatesbloggy at 10:10 pm | permalink | comments[3]

You Had A Bad Day

March 22, 2009

Hay bago ako matulog kagabi ay sandamakmak na naman na pagaalburuto ng tiyan ang naramdaman ko. Super sa over na diarya ang naranasan ko kagabi. (kaw ba naman ang kumain ng pagkadami daming icecream at di matapos ang pagsubo mo ng mga pagkaing ayaw mo ng tigilan…try mo un ) tignan mo at kung hindi ka magdiyarya(diarrhea) pustahan tayo at pag hindi man sumakit ang tiyan at ang iyong anus ay hindi humapdi.. balik ko sayo ang pusta mo..hehehe..

Pero alam ninyo hindi ang pagdidiyarya ko ang dahilan kung bakit  I had a bad day. Kung iyon ang iniisip mo maling mali ka.Salamat nga sa diyarya at dahil dun nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko matapos ang dalawang araw na hindi pagdumi.(Gross ba?)Paumanhin sa mga kumakain at mga umiinom dahil sa kadiring entry na ito.. Balik tayo sa kwentong bad day..

 Kahit isang oras palang akong nakaupo sa harap ng aking lujmang kumpyoter, ang aking ermitanyong tatay ay sinumpong na naman ng kanyang sakit. Frustation siguro ni tatay ang pagpapari at dahil dun umandar na naman ang pagiging ministro nito. Sandamakmal na  sermon ang aking napala sa isang oras lang kakakompyuter. Shemay…mahirap pala talaga kung  PAL(palamunin )ka parin ng magulang mo)  Sandamak mak na Aleluya at amen ang natatangap ko  sa araw araw na ginawa ni Pader JESUZZ.. Everyday is a time to hear sermon ika nga.Kaya naman ng gabing un badtrip akong  humiga at natulog..

kinabukasan………………..

nakaktawang isipn na hindi lang pala si tatay ang gustong magaral ng theology. Gulat na gulat akong isipin na ang ever caring at ever loving kong mader ay sungit sungitan ang drama  alas sais palang ng umaga. Hay, may kutob ako na this day will be bad. Ang napili namang topic ni nanay ang isyung porket gradweyt na kot may titulo bilang nurse ay kung bakit daw hanggang ngayon ay wala parin akong regular na trabaho. Uu nga’t nars na ako ay volunteer parin ang lagay ng inyong mahal na ninja. Gusto ko ngang sagutin ang aking ina na tanungin ninyo ang ospital at bat hanggang ngayon ay di parin ako maregular s propesyong kong ito. Sa mga nurses at mga volunteer nurses na bumabasa na aking blog ngayon siguro alam ninyo ang hirap na pinagdadaanan  ng mga tulad natin makatanggap lang ng kakapiranggot na sweldo na kung pagtrabahuan nati’y halos maubos na ang dugo’t pawis natin sa katawan. akala ko nga din noon na pagkakgradweyt ko’y automatic na meron na agad na naghihintay na trabaho sakin. Hindi pala ganun ang kalakaran, uu nga’t may naghihintay pero ang hindi itinama ng mga madlang pipol ay kelangan mo pa palang makipagtaguan  at makipaglaro ng patintero(in short ay maghanap) para lang makkakuha ka ng pagmumulan ng iyong sweldo. Badtrip pala ang ganun. hehehe kaya gusto ko na lang uli bumalik sa pagiging estudyante at maghintay na lang sa ibibigay na biyayang alowans ng aking mader.Hay pero hindi na ganun ang buhay ko ngayon.

Matapos kung pakinggan ang litanya ng aking nanay. Naisip kung humirit ng isang pilosopong banat ng sa  ganun ay hindi masyadong badtrip ang umaga ko.

Eksena 1: Ako patungong banyo.maliligo…….

Nanay: KUMAIN K NA BA!!!!( PASIGAW)

Shinichi: Busog na po ako.

Nanay: Aber at anung kinain mo(PASIGAW PADIN)

Shinichi: SERMON( YAN ANG BANAT)

Dumugo ata ilong ng nanay ko ng sinabi ko yun….hinayaan ko nalang lunurin ng malamig na tubig mula sa shower ang litanyang sinasabi ng ever sweet kong nanay. SWEET D B?

Ala-siete ng umaga nasa hospital na ako. Salamat sa magaling kong nanay at dahil dun nasira ang routine kong alas otso impuntong pagdating sa ospital. Una,receive muna ako ng mga pasyente para naman ay maging smooth ang flow ng trabaho may dumating mag OPD o Emergency case.  Wala pa kasi ang aking mga kasama kaya mas mabuting umpisahan ko na ang trabaho. Mga anim ata ang mga in-patient nun. Ok lang at nagsimula na din akong tignan ang kardex ng endorsement uang malaman ang pwedeng gawin sa mga pasyente…

Alas otso, dumating ang mga kasama ko. Alas nuwebe nagsipagdatingan ang mga  Out patient at dahl dun medyo nararamdaman ko na ang tensyon sa loob ng ospital. Marami na ang mga psyente at kelangan na naming maging mga super nurses upang maantidihan  lahat ng kanilang mga pangangailangan. Ilang oras pa ang lumipas at ang ospital ay mistulang zoo sa ingay at gulo. Hindi na ako magkandaugaga sa lahat vng ginagawa ko. Kung si ULTRAMan  nga nalolobat ako pa kaya. Pagod na ako lalo pat ang mismong kinain ko  sa aking almusal ay ang masarap na sermon ng aking super sweet at everloving mader. Pawisan na ang aking singit( yaks…) dahil sa pagod. Dagdag pa ang grabeng init ng ospital na kulang na kulang sa aircon. Hanep para akong nasa barbeque grill at tulong tulo ang mga pawis ko. Nahihilo na din ako sa kakaikot. Para akong trumpo na walang patutunguhan. Buti nalang at nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagpahinga kahit ilang minuto lang. Sabay sabay kasi ang mga pasyente kung dumaing.

EKSENA 2: MGA DRAMA SA OSPITAL

Patient 1- my hypertension, groggy at uncooperative laging tinatanggal ang mga swero at pulse oximeter sa katawan. Every 5 seconds din kung isuction dahil sa madilaw dilaw at malagkit nitong plema sa oropharygeal ways.

Patient 2- Ang Amerikanong  super sa reklamador at ang pinaka “Gusto” ko sa lahat

Patient 3- Katatapos lang maoperahan sa pamamaraang appendectomy

Patient 4- Mother and Twins

Patienbt 5- Diabetic patient

isama mo pa sa listahan ang jumble jumble na listahan ng mga gamot, mga makukulit na mga OPD’s at mga maiingay na intern ng mga nursing iskuls.

 Meaning, Im having a bad day. Akala ko talaga okay sa olrayt na ang sitwasyon. Yakang yaka na namin. Our reflexes are reacting effectively sa mga stressors ng buhay. Akala ko pa naman ako na ang pinaka dabest na ninja sa aming academy.Isa kasi sa mga pinakatraining namin sa ninja academy ay ang pagiging swift sa lahat ng bagay. Lahat  mabilis, pero hindi lang basta mabilis. KUNDI kalkulado din lahat ng gawa mo. Hindi lang basta galaw dapat may pinapatunguhan. Ika nga  sa paghagis ng mga shuriken dapat may target.. dapat asensado. ISA iyon sa SECRET Ways 101 ng  isang pagiging Ninja.aT isa iyon sa aking mga kakayahan kaya nga kahit ganun ang sitwasyon na para akong mapapatrabol sa sitwasyon ay kalmado ako. 

Hindi ko akalain na mawawala ang konsentrasyon ko sa pagiging mahinahon. Inutusan ako na magpalit ng swero ng aking kapwa volunteer at dahil isa iyong misyon na kelangan ng  teamwork humayo ako. Si Patient amerikano pala ang aking subdyek. Misyon ay ang palitan ang ubos na nitong dextrose. Napansin ng aking bionic  at super observative eyes na pinasukan ng hangin ang kanyang swero kaya naman. Ginamitan ko ito ng aking kakayahan. I will aspirate the air in the tube with the use of a syringe. Yun nga ang ginawa ko, ngunit hindi pala ganun kadali ang misyon tulad ng mga nagdaang mga pagsubok may kaakibat itong problema kaya naman ng nakita ko ang kanyang dugo sa swero na nagbackflow, binilisan ko ang flow rate ng dextrose. Sakto nawala ang dugo at naiaalis ko din ang hangin sa kanyang swero. MISSION ACCOMPLISHED. I flushed the syringe with sterile water to  maintain its sterility. TAKE NOTE:  Hindi po napasukan ng dugo ang syringe na ginamit ko. Pumunta ako ng banyo upang isirit ang hangin at sterile water na nasa syringe. Tinakpan ko at naghandwashing. At ibinalik ang syringe sa medicine table.

EKSENA 3: Ang Confrontation

Matapos kong ginawa ang misyon ko sa Amerikano ay abot ang ngiti kong bumaba sa groundfoor( ASA 2ND FLOOR pala si Mokong) Umakyat naman ang kasama kong volunteer upang magbigay ng gamot. Sumama ako uli papanhik sa itaas upang bisitahin ang iba pang mga pasyente. Kumatok si Volunteer sa kwarto ni Amerikano at nagpaalaam na magbibgay ng gamot…

Uncle sam: I dont want to use that syringe its contaminated

VOL: Sir its not.

US: The male nurse had it contaminated its used to aspirate the air in my tube

In short ayaw talaga ni kano ang syringe kaya napltan si volunteer na tanungin ako kung contaminado ang seringilya(SYRINGE) at ang sabi ko namang malinis ito. Akala kasi ni kano pinanghugas ko ang tubig na  nasa cr pero di nman. Sinabihan ko ang volunteer na ixplain nalang na sterile water ang ginamit kong panghugas ng syringe.

Akala ko panaman ay ayos na. Bumalik kami sa groundfloor na kampante na at okay na ang lahat. Sumabak kami uli sa maaksyon na gulo sa baba. Hanggang ipinatawag ako ng aking medical director. Nagsumbong pala ang g*g*ng kano kaya naman ang ninja ninyo na uber sa sipag(ahem) ay nasabon. Kinausap ako ng MD at ipinaliwanag ko ang buong pangyayari na misunderstanding lang ang lahat. Na Nag assume lang si Kano at gumawa ang kanyaNG  praning na utak ng isang nakakabwisit na istorya. Nang matapos ang masensinang usapan ay pumunta ako kay Uncle Sam upang magpaliwanag. Masinsinan din titong paliwangan at pagduduwelo. Matapos manghina ako sa pagkawala ng maraming dugo dahil pagnonosebleed ay   muli na namang nagtagumpay ang katotohanan. Nahirapan man ako sa aking kaaway ay puno parin ng kaligayahan ang  aking natamo. Ang ninja ay humarap sa kanyang katunggali at nanalo sa hamong maligalig. Siguro ngay  I had a bad day pero premyo na sigurong naipaglaban ko ang aking sarili at ang malamang tangan ko parin ang maliwanag na katotohanan.

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 7:52 pm | permalink | Add comment

Pinoy Dream Academy: Ang Eksena sa Likod ng Makulit na Audition

March 18, 2009

    Bago pa man mag-alas dos ng madaling araw ay gising na ako. Hindi pala, kalahating gising at kalahating tulog. Hindi talaga ako makatulog sa papalapit na palapit na audition ng PDA(Pinoy Dream Academy).Ilang araw  bago ang mismong audtion sa Porta Vaga Shopping Mall, Baguio City noong nakaraang March 3, nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong anunsiyo ng PBB at PDA audition dates sa tv  habang nanonood. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito para matupad ang aking “ultimate dream”, ang maging singer , makagawa ng maraming album at magbigay inspirasypn sa mga tao. Plus, andun na din ang kumita at makatulong sa pamilya ko at makabayad sa mga limot ng utang nina nanay.San ka pa? Milyong piso, bahay kotse, album at pagkadami-dami pang kasunod na mga opurtunidad manalo ka man o matalo sa PDA.

Matagal na akong fan ng PD, kaya nga gusto din subukan ang kapalaran ko tulad na lang ng libo-libong nakikipagsapalaran na makapasok sa ACademy man o sa Bahay ni Kuya. Noong unang season ng PDA ay di ako nakasama. Nung pangalawang season naman ay napakalayo ng venue sakto namang wala akong pera upang lakbayin ang Pampanga kaya naman ng malaman ko na sa Baguio ang audition ay nagdesisyon akong magbakasakali. Wala namang masama di ba?

Sumama ako hindi lang  dahil sa premyo. Andun na tayo pero ang rason ko talaga ay gusto ko pang maimprove ang aking pagkanta. I love singing and music very muc. I love it more than writng and blogging. Ang pagkanta talaga ang passion ko at ang first love ( corny ba? hehehe) gusto ko din kasing maging ganap na singer. Gumagawa ako ng mga kanta. Kumakanta din ako dati sa mga bars at mga okasyon pero di na ko kuntento dun. I want a bigger crowd. Gusto ko talagang maging pro sa larangang ito at iyon ang rason kung bakit ako pumunta ng Baguio.

Mahirap siguro sa pamilya ko na tanggapin iyon. At hindi sila full support sa ginagawa kong pagkanta . Dati pa iyon noong nagbabanda pa ako  noong college. Gusto ko talagang kurso ay iyong may kinalaman  sa musika. Gusto kong pumasok sa Conservatory of Music mapa U.P man o U.S.T at makakuha ng Music Degree. Major in Voice at minor in Guitars or piano. Pero hindi iyon nagyayari,(well I’m hoping na pwede ko parin gawin iyon) kaya nga nakakatawa bat ako naging nurse ngayon. nakakatawa at mahabang istorya.

Balik tayo sa audition. 2:30 am gising na gising na ang diwa ko. Mga alas tres   ay inumpisahan ko nang maligo. Saktong 3:45, I’m prepared for my battle..PDA ang ultimate dream  ko here I come!!!! Alas kuwatro na ng umaga  ng dumating ang Victory Bus na aking sasakyan patungo sa aking panagarap. Bago ako umalis , ilang beses na taimitimang dasal ang ginawa ko kay Papa Jesuzz( ang totoo ilang linggo din ang inabot ko sa pagdadasal mapagbigyan lang ni Bro) na maging okay ang kalalabasan ng audition  ko. Tinext ko din ang lahat ng nasa ponbuk ko upang makahingi ng suporta’t panalangin. Feeling ko tuloy ako si Son Goku na humihingi ng  ispiritwal na enerhiya lumakas lang ang Spirit Ball niya upang matalo ang cute na cute na si Majinbo(hehehe). Iyon nga lang hindi si Majinbo ang kalaban ko kundi ang mga daga sa dibdib ko. Ito na kasi ang momentum ng aking buhay..to na ang big twist at ang big event sa napakaboring na buhay ni Shinichi Kiddo. It will change my life kapag pinalad akong maging isang iskolar.

Alas sais. Location: Baguio, Gov. Pack Road, old terminal ng Victory Liner. Matapos ang isa’t kalahating oras sa Mc Arthur Hiway ay heto na ako. Tsaran!!! nasa Baguio na ang ninja ninyo. Tulad ng mga nagdaang hamon  sa pagiging isang ninja ay tinanggap ko ng buong puso ang misyon na sumama sa PDA. Isa ito sa 101 Secrets of the Ninja Way. Kaya i swear by the moon,by the stars and the skies na I’ll be there(teka kanta to ah) in the Top 12  Scholars ng PDA SEason 3 so help me God.  Naglakad lakad ako sa Session Road at tinungo ang Porta Vaga Mall. Nakita kong kaunti palang ang pila kaya nama dali-dali akong pumunta sa comfort room ng Baguio Cathedral para magbihis. Isinuot ko ang ang ultimate outfit ko para maupgrade ang pogi points ko sa mga judges na makikinig samin. Black polo lang at rugged maong pants na pinaresan ko ng Chucks. Presto Transformation Complete. READY FOR BATTLE!!! ROCKER NINJA MODE NA KO!!

Ilang saglit palang, madami na akong kakilala. Ang isa ay auditionee ng  PBB Teen Edition,ang isa sa PBB Regular at ang karamihan sa PDA. Tsikahan Galore….

Auditionee 1: yo bro, wer u?

shinichi: from the land of the rocker ninjas, wer u?

Auditionee: La Union

Auditionee 2: ako din

 Mga Sumingit: Kami bicol!!!

and the rest was history.

 Wow, hindi lang pala ako ang nakikipagsapalaran sa  audition na ito . Marami pala kaming mga ninja na ipinaglalaban ang aming mga pangarap. Kulang ang buong maghapon para malaman mo ang kuwento nila. I’ll say it in PDA’s Way; kulang ang maghapon para malaman ang drama sa likod ng kanilang mga pangarap.(hehe) Marami pala ang tumanggap ng misyon na makapunta sa tuktok ng tagumpay ang maging isang PDA Grand Star Dreamer na kung tutuusi’y kaparehas na din ng pagiging isang Hokage sa aming Ninja World. Naisip ko na di pala biro ang hamong tinanggap ko kaya naman lumakas pa lalo ang hangarin ko na magtagumpay sa misyong ito. Subalit naisip ko din, na ganito naba kadesperado si Juan Dela Cruz at pati mga pakontes na ganito ay tinatalo na niya? Suntok sa buwan ika nga pero sabi nga ni Bugoy di ba, “LAHAT PWEDENG MANGARAP!!!!” Tama nga naman, hindi ka ba mangangarap kung ang tanging libre na nga lang sa panahong ito ay ang pangangarap?

Padami  ng padami ang mga tao. Humaba ng humaba ang pila. Lumipas pa ang ilang oras at di na mahulugan ng karayom ang buong Parking Area ng Porta Vaga. Saktong alas- onse ng umaga kami nag-umpisa.

This is really is it!!! Naalala ni’yo ba ang tagline na to?Tama kay Ai Ai sa pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Mas lalong namawis ang mga pasmado kong kamay at nag-umpisa na namang mangatog ang aking mga tuhod. Tanda na dinadaga na naman ako. LUB DUB LUB DUB LUB DUB yan ang maririnig mong pintig ng aking puso na lalo pang bumibilis. Aatakihin ata ako sa puso sa sobrang kaba. Pinapasok kami sa loob ng opisina ng  ABS CBN Northern Luzon New Team. Kabilang ako sa unang Batch, sampung hopefuls sa bawat batch; pangsampu ako.Misomong si Teacher Monet ang umestima samin. Ilang segundo pa ang lumipas sumalang na kami isa-isa sa deathrow. Para sakin palpak ang unang hopeful bagamat  astig ang composition nito pero hindi talaga pwede ang boses nito. Ang Hopefuls # 2-9 ay pawang magagaling din. Habang kumakanta ang mga nauna sakin, hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Di ko parin kasi kabisdo ang audition piece ko. Dahil dun pumili ako sa I’ll Be, Your Guardian Angel at Without You tatlo sa mga kabisado kong mga kanta. Di ko namalayan na tapos na pala si Hopeful number 9 kaya naman mas lalo akong kinabahan dahil ako naman ang sasalang. “Ako po si Shinichi Kiddo, 23 years old  ng ninja country. ang kakantahin ko po ay I’ll be ni Edwin Mccain.” yun ang pambungad ko kay Monet. bumanat nga ako ng I’ll be at nakinig naman si Monet. Pinatapos niya ang kanta at nag t.hank you sakin. Sinabihan kami na pagkalabas namin ng kwartong iyon ay saka namin malalaman ang resulta ng audition.

Pagkalabas, wala ni isa sa amin ang nakapasok man lang para makapagpatuloy sa level 2 ng screening. Awts.. ang sakit. Ang pag-asa ay biglang naglaho sa aming sampu. Gulat na gulat kami sa nagyari. Tinanggal ang numerong nakadikit  sa aking damit, tanda na nagsasabing,” Hopeful #290 your journey ends here.” Awts uli at bleep words ang gusto kong sabihin nun pero ni isang kataga ay walang lumabas sa aking bibig.  I was in shocked.

Mahirap pala talaga ang umasa lalo’t umaasa ka sa wala. Yaiks. Sakit. Suntok nga talaga sa buwan ng aking ginawa. Napagtanto ko na hindi worth ang puyat, pawis at pagod  ko sa pagpila at ang effort ko sa pagprapraktis ng kanta. Masakit kasi maikli at hindi man lang sincere ang Thank you na narinig ko na kapalit ng lahat ng paghihirap ko mapasok lang sa PDA. Sabi nila ang mga star daw ay may tamang oras sa pagsikat. Sabi pa ng iba na baka hindi pa ito ang right time. Yeah right, pakonsuwelo ko nalang sa sarili ko na, ” I did my best.” at at least tri-ny ko. Hindi na ako mag-iisip   ng pano kaya kung sumama ako? mga ganong banat.Pero masakit padin. pilit ko mang iwaksi sa isip ko hindi parin ako okay. Pangarap ko kasi iyon. hindi lang iyon ganun ganun lang. Hay, meron pa naman next time.

Sa gitna ng panlulumo naalala ko uli ang sabi ni Bugoy, LAHAT PWEDE MANGARAP!! Mayron pa palang pag-asa pagkatapos ng audition. May buhay pa pala akong babalikan. Hindi pala nagtatapos sa audtion ang buhay ko. Bagkus mas malaki pa ang entablado na dapat kong harapin  at paghandaan.Hindi pala dun natatapos ang lahat.Marami parin palang next time,malay mo next year  habang bumiyahe ka at  nasa EDSA  BillBoard ko na pala tinitignan mo.

  

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 11:17 am | permalink | Add comment

Palahaw ng Isang Musmos

March 17, 2009

 

Sige magsawa ka. Namnamin mo ang mura kong katawan na nagbibigay katuparan sa iyong pantasya; sa malibog at hayok mong pagnanasa.

 

Alam ko naman na ito na ang gusto mo sa umpisa palang. Ang maangkin ang sariwa kong katawan. Sige Malaya ka na.Di na ako papalag pa. Wala na siguro sakin to, madalas  mo naman na tong ginagawa sakin di ba? Anong pinagkaiba ng unang beses sa ngayon? Alam ko naman na wala akong magagawa. Kaya sige ituloy mo lang. Ang marupok kong katawan laban sa bakal at mapagparusa mong mga litid. Tiyak kong di ako makakawala . Wag ka ng mahiya, wag mong panisinin ang mga luhang dumadaloy sa ‘king mga pisngi. Huwag.. matutuyo din  ito at maglalaho na parang bula. Ngunit ang iyong pagkahayok ay hindi.

 

Ilang katulad ko na ba ang biktima mo. Hindi ko maisip na sa ‘yong  kadugo mo pa ginawa ito. Isa kang diyablo na mapagbalat kayo. Isa kang ahas na tumuklaw sa mga nag-alaga sayo. Isa kang buwaya na kumakain ng mga manok ng iyong amo. Isang lobo na walang  sawang lumalansi sa mga tupang nagtiwala sayo ng lubos. Iyon ka, isa kang hayop na ganid at sariling sarap lang ang alam.

 

Maramot ka alam mo ba iyon? Hindi mo man lang naisip ang musmos na tulad ko. Masakit. Sobrang sakit ng ginagawa mo. Wala ka na bang konsensiya at hanggang ngayo’y  pilit mong kinukuha ng paulit-ulit ang natitira kong dignidad?Kelan ka ba titigil? Bangkay na akong maituturing. Buhay sa labas pero matagal ng patay sa loob. Tubuan ka naman ng konting konsensiya!

 

 

Pero hindi! Hindi ka ganun at wala kang ganun! Bingi ka sa impit kong paghikbi at bulag sa aking pagdurusa. Unti- unti mong hinubad ang saplot ko at ang mga mata mo’y nagniningning sa pananabik. Masyadong masakit ang demonyo mong pagngisi. Ang taong pinagkatiwalaan ko’y isa palang halimaw na nagbalat kayo.

 

Sinimsim mo ang aking kamusmusan at inangkin mo ang kainosentihan ng aking pagkatao.Ninakaw  mo ang aking dangal sa isang iglap lang. Ang kasiyahan sa aking pagkatao’y biglang naglaho. Napakagaling mo at wala kang tinira..kahit konti..ni anu paman, masaya ka na?

 

 

Iniwan mo kong walang malay.Wala man lang saplot sa katawan. Pansamantala akong tinakasan  ng ulirat  sa kababuyang ginawa mo. Di ka man lang  nahabag? Ni  panakbong  upng makapagtago lang sa ata ng madla  ay di ka nag- abala. Sa tingin mo ba’y may mukha pa kong maihaharap sa kanila?

 

Pighati ang naiwan sakin at sarap naman ang iyong napala. Paano na ba ako ngayon? May buhay pa ba ako matapos ang masalimuot kong bangungot? Bangungot na ikaw ang may gawa! May bukas pa bang maghihintay sa tulad kong naagawan ng lahat?!

 

Sana nga meron pa.. mahirap isipin na meron pa akong babalikan. Mahirap umasa lalo’t wala na ako noon ngayon. Para mo narin akong pinatay. Mahirap umahon sa  kumunoy ng pagdurusa. Di bale, ang importante ay nasarapan ka…

Posted by ninjacreatesbloggy at 12:57 am | permalink | Add comment

A Dog Named Sasuke

 

Isa siya sa tinuturing kong barkada. Para sakin hindi lang siya isang pipitsuging aso. Kahit na siguro ihilera mo siya sa  mga nag-gagandang breed ng mga aso ngayon  okahit na gaano man iyon mga ka-cute ; hindi ako magdadalawang isip na piliin parin ang askal kong alaga.

 

Tulad ng sabi ko kanina hindi siya pangkaraniwang aso lang. Hindi dahil may angking super powers ang aso ko kaya siya matatawag na exceptional sa lahat ng tao. Kung yon ang iniisip mo  mali ka. Di siya ganun.

 

Si Saske ay isang maamong aso. Mapagmahal kaya nga kahit ang pamilya ko’y matatwag na askal murderers, binago sila ng Saske ko. Noon, nag-aalaga ng aso ang aking pamilya sa tatlong  simpleng rason; una, nagpapalaki sila ng tuta para in  the near future maging guwardiya eto ng aming mansiyon.(mangarap ka Shinichi!) Tama, tulad ng karaniwang pamilya biktima din kami ng walang katapusan, karumal dumal at kasuklam suklam na nakawan. Unang nanakaw samin ay ang mga branded naming mga pantalon at damit. Nawala ang     paboritong Levis 501 ni kuya, ang baseball cap ko naman na galing Tate ay  nanakaw din.  Pati mga brief at mga salawal ng nanay ko’y di pinatawad. Gagi, naisip ko ganun na ba kahirap ang Pilipinas ngayon? At pati  ang mga brief at panty ay ninanakaw na? Tsk Tsk Tsk.. Kawawang Juan Dela Cruz siguro’y ang mga salawal ng aming pamilya ngayon ay asa ukay-ukay na.( O malamang suot-suot mo na. hehehe) Dahil nga talamak ang nakawan blues samin,kaya nga  halos ng kapitbahay naming ay may alagang aso na din para pang taboy sa mga walang konsensyang mga magnanakaw. Kaya naman we kept Saske alive, at nawala ang tradisyon Askal  killing Festival ng aming pamilya.

 

Ang pangalawang rason ay simple lang. Mahilig mag-alaga ang aking pamilya ng mga hayop. Mapa pusa o aso kaya naming alagaan. Lalo na ako, mahilig talaga akong magpalaki ng mga alaga. Bunso ako at ang mga alaga ko noong bata ako ay magsilbing kalaro ko at sandigan sa panahong ako’y nakakaramdam ng kalungkutan.(emo-ness,hehe)

 

Pangatlong rason. Ang huling  dahilan noon kung bakit nag-aalaga ang pamilya ko ng mga asong kalye ay  sa business. ‘di naman to bigtime na business pero nagpapalaki ang pamilya ko ng aso para may ibenta para sa mga suking manginginom ng GSM blue sa barangay namin. Marami ng biktima ng Askal Killing Business ng aking ama at ng kuya ko. Ako? Nanumpa ako nung bata ako na I will be a Pro- Dog life  hanggang pagtanda ko. Awang- awa ako sa mga aso ko nun na binoboljak ng kahoy sa ulo. Sinasaksak sa dibdib para mamatay habang nakatali  ang mga paa ng kawawang hayop sa alambre para di makagalaw. At pagkatapos susunugin para mawala ang mga balahibo..tapos pagtatadtarin para gawing adobong aso,sinampalukang aso o dinakdakan(tsalap to the bones pare). Umiiyak at nalulungkot  ako sa pagpanaw ng mga asong iyon.. Ang mga kapatid at anak ng mga asong  naiiwan  ng kanilang  Dog relatives na nakasama sa killing festival ay puno ng hinagpis at lungkot. Dama ko ang lungkot na yon, kasi napamahal na sakin mga asong kinakatay ng sarili kong mga kadugo. Sa madaling salita KA-PU-MILYA na sila. Kabarkada. Kapuso at Kapamilya. Ganun sila sakin. ang sitwasyon noon ay karimarimarim na killing festival ng aso. Ngunit ng dumating si Saske sa pamilya ay

nagbago yon.

 

 

Sino nga ba si Saske? Hmmm. Dumating sa buhay naming si Saske ng nanganak ang aso naming si Kit( si Kit ay biktima din ng Askal Killing Festival)  Actually, nanganak si Kit ng anim na cute na mga tuta. Si Naruto, Gaara, si Sakura, Neji, Kakashi at Si Saske. Sinunod ko ang mga pangalan nila sa mga paborito kong mga anime character sa  Naruto.

Malapit sakin ang anim pero wala nang tatalo sa pagkakaibigan naming ni Naruto, Saske at Gaara. Silang tatlo, sa anim na magkakapatid  ang paborito ko. Sila ang pinakacute sa anim. Pero si Saske ang pinakaborito ko sa lahat.

 

 

Dumating ang araw ng kanilang pagkahiwahiwalay ng mga malalaki na sila. Unang dagok sa kanila ay ang pagkamatay ng kanilang magiliw na Inang si Kit dahil sa inaasahang pangyayari ang kamatayan nito sa paglahok sa Askal Killing Festival ng taong 2006. Kasunod noon ay ang pagkakahiwalay ng mga magkakapatid.

Unang umalis si Kakashi, dahil sa pagkakasakit. Tumae ng dugo. Dedbol. Patay!

Si Neji naman ay inampon ng aking Tito samantalang si Sakura ay napunta naman sa isa pang kapatid ni Tatay. Si Naruto naman ay inampon din ng isa ko pang Uncle. Naiwan sa pangangalaga naming sina Saske at Gaara.

 

 

Akala ko noon ay talagang nagbago na ang kapatid at tatay ko. They’ve promised me that they will never kill dogs again. But then, we all know that promises are meant to be broken right?? Kaya nang hiniling ni Kuya si Gaara  para maging  handa sa kanyang birthday, ang laki ng sama ng loob ko. Ako si ang nagaalaga, nagpapaligo sa mga aso ko. Ako lahat pero iba makikinabang. Hindi dahil sa kumakain ako ng karne ng aso, hindi ko yon gawain.Ang gusto lang sabihin sa salitang makikinabang ay di ko na mapapakinabangan pagkakaibigan namin ng aso kong si Gaara.

 

At natuloy ang Killing Festival. Dama ko ang hinagpis ni Saske ng tignan niya ako sa mata habang dahan dahan pinapatay ang kanyang best friend at kapatid. Para bang sinasabi sakin na, “ Boss Shinichi bakit po ninyo kami ginaganito? After all we’ve done We guarded  your house from robbbers and comforted your family..We gave our trust to you. We made friendship to your family and put our lives at stake just to keep your family safe. But why? Why kill my brother and my mother? And you gave away my other siblings? We don’t deserve this!” (Kung nakakapagsalita lang siya at ingles pa malamang patay na ako dahil naubusan na ako ng dugo dahil sa pagkakanosebleed)Pero walang sinabi si Saske, ni hindi ako kinagat at di pinigilan ang mga kapamilya kong hayok sa karne ng aso. Bagkus, sa pagkakahugot ng huling hininga ni Gaara, isang malungkot na palahaw nalang ang narinig ko kay Saske. Awoo!!!!!!

 

 

Ilang araw din bago tuluyang bumalik ang sigla sa buhay ni Saske. At unti unti niyang nakalimutan ang lahat ng masasakit sa buhay niya. Unti unti uling nagtiwala sakin si Saske. At tumigil at nangako ang aking ama at kuya na wala ng killing festival na mangyayari.

 

Tumagal ang panahon na talagang napamahal samin si Saske. Talagang kapamilya na talaga. Kung dati ay ako lang kalaro niya, nang naglaon ay kaibigan na niya ang buong pamilya. Tuloy- tuloy parin  siya sa trabaho niyang sekyu sa bahay.  Dumating ang Christmas at kapiling padin naming siya., Masaya ang taon. Masaya ang Noche Buena.

 

Kaya naman buong gulat ko ng marinig ang aking ina at asawa ni kuya na nag-uusap.

 

Nanay: Hay, ano bang nagyari kay Saske?

Ate Ping: Sayang Nay, si Saske.

 

Akala ko kung benenta si Saske para maging kalahok para sa defunct Askal Killing Festival. Ngunit, mali ako. Taong 2008 , Disyembre 25. Gabi . Namatay si Saske. Ang paborito kong alaga. Ang barkada .Nakita ng ama ko na patay na ang aking alaga;nakahandusay sa c.r naming sa labas ng bahay. Malamig. Walang buhay.Kaya pala. Kaya pala wala siyang gana kagabing kumain. Kaya pala siya matamlay. Akala ko may sakit lang siya o sa kauna-unahang pagkakataon ay nabasted siya ng kanyang asong nililigawan. Hindi pala, iyon na pala ang huling sandaling kami ay magkasama..hay.

 

.Samut-saring tsismis ang naririnig ko  sa pagkamatay ng mabait kong alaga. Na kesyo daw nahigh blood dahil sa madami itong kinain nung Noche Buena. Na kesyo daw inatake sa puso. Na kesyo daw pinakain ng vetsin para gawing pulutan at kesyo daw nilason kasi galit sa kanya ang mga kapitbahay namin. Hindi yun ang isyu ditto para sakin. Mas mahalaga pa sa tsismis si Saske. Para sakin, nawalan ako ng isang matalik na kaibigan, ng isang barkada.Yun ang isyu para sakin, ang malamang patay na ang isang kaibigan at din a ito magbabalik pa.

 

Patay na ang aso ko. Malungkot. Kasabay ng kalungkutang bumabalot sakin ngayon dulot ng pamamaalam din ng aking minamahal na si Rose. Break na daw kami. Paskong-pasko. Putek. Wrong timing. Katatapos lang ng Christmas at papasok palang ang Bagong Taon. Hay… . Wala na si Rose. Wala na rin si Saske. Akala ko pa naman maiibsan ang kalungkutan ko dulot ng break up naming ni Rose dahil makakasama ko ang maamo kong aso. Di pala.. di pala…Mag-isa ko na lang dadalhin ang sakit ng aking  kasawian. Kung andito sana si Saske, di sana ganito.

 

Sayang.

 

 

      

Posted by ninjacreatesbloggy at 12:45 am | permalink | Add comment

Prologue: Few Days Bago ang Pagsilang ng Ninja Creates Bloggy

March 16, 2009

Matapos ang pinagsamahan natin sa blog kong Untamed( na sa kasamaang palad ay hindi nagtagal), ngayon I’m stepping to another stone to further hone my talent in writing. Ang naunang blog ay nawala dahil narin s super confidential na mga rason. biglaan iyon at ngayon eto na naman ako, nag-uumpisang muli upang makapagsulat ng mga bagay ( na pwedeng may kwenta o walang kwenta) na makapagbibigay inspirasyon sa lahat.

 Aktuwali, sa kasalukuyan ay di ko alam kung ano na naman ang magiging taytel ng aking blog. Magpasahanggang ngayon , ganaap na alas-nuwebe ng gabi taong 2009, Marso trese habang kasalukuyang nasa duty dito sa hopsital ay piniplit ng aking super powers na kalkalin sa kailalaliman at kasaluksulukan ng aking utak ( na ewan ko kung may laman pa) ang pwedeng magiging taytel ng blog na ito. Pati ang bago kong  pangalan( nome de plume) na gagamitin ay pilit ko parin hinahalukay, hehehe.

Nweiz, naway suportahan at tangkilikin uli ng mga tao ang bagong blog na ito. Pangalawa iyon sa importante. Ang una’y makapagsulat ako dahil ioyn naman  ang isa sa mga hilig ko. ang makapagsulat para sa sariling kalawayan at para narin magbigay inspirasyon sa ibang tao.

Espesyal taynks pala kay pareng Ferbert Bautista at Lio Loco sa suporta. I owe you one guys, anyway sa mga di ko nabanggit , don’t wori may puwang kayo sa puso ko. Arigato Gozaimas tomodachis!!! ( Thank u very much friends!!!)

Posted by ninjacreatesbloggy at 1:56 pm | permalink | Add comment
a ninja's avenue of expressing his ninja way of living and thoughts about LIFE.

     

September 2010
M T W T F S S
« Jun    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Shinichi's archives

Sponsored Links

Shinichi Kiddo

is a 23 year-old bastard aspiring to be a professsional musician but failed to be one.(well i guess  his time to shine has not come yet)He thirsts for music badly.

He do cover songs of popular bands and do demo tapes and videos and loves submitting it to the youtube.

Shinichi's quite narcisistic and loves capturing himself in his Nokia phone.

He loves eating takoyaki,beef,pork or shark fin siomai. He recently tried sushi and eventually like it.Dumplings are the best.

He loves watching animes in the wee hours till dawn and reading mangas online. His favorite animes are deathnote,fate stay nite,shaman king,hunterxhunter,detective conan,btx,visions of escaflowne,darkknight and a lot more.

He has a sweet tooth.

Shinichi got his nome de plume in the anime detective conan where the lead's  character name was Shinichi Kudo. The "Kiddo" was suggested by his friend since Shinichi is childish.

He loves chinitas and chinitos since he's also one of them.

He dreams of living in Japan and learning the Japanese language.

He's a supporter of Bob Ong, Kokey Monster,Lio Loco,Jessica Zafra and Philippine Inquirer's Young Blood.

Shinichi's a medical ninja and currently practicing the medical ninja way of life.

He's afraid of ghosts and lizards(aww).

He's a puppy and pussy( I mean cat) lover.

His purpose of blogging was to inspire people and to inspire his self.

 

**Thank you for visiting and reading his site. Feel free to drop some comments, it will be deeply appreciated by Shinichi Kiddo.**

Shinichi's camera

shout box

chorvacheorvamus:

may award ka sa site ko, magmadali baka may makakuha pang iba…=)

stupidient:

napadaan,, mgandang umaga,,

kris:

,hi kua. grbe d mapigilang sumilip ng mga mumunting tubig sa bintana ng aking mga mata.

hnd q rin alam qng bkt ..

ang weird noh?

paps:

thanks for dropin by.

kablogg:

nice blog. ayos.

pavisit naman ng blog q:

kablogg.i.ph

let me know what you think about it.

jet:

duuuuddddeee.. ngcomment aq s latest entry m.. :D pavisit din nung akin.. hehehe

herb:

just checking out.nice and interesting blog you got here dude.take care.just keep in touch.gtg

ninjacreatesbloggy:

uu, inaktib na yon bro.ito na ang bagong blog ko..nagpakaanonymous na ko d2 kasi delikado pla ang may nakakakilala sau..hehehe
maraming paparazzi..teka suot ko lng jaket ko..lmalakas ang hangin..hehehehe

blognijet:

inactib n b ung untamed? hehe.. bisitahn mu dn ung kay ebol a.. :D blog on

Shinichi Kiddo:

maramig salamat sa suporta parekoy.

FerBert:

congrats sa bagong blog. :P

Leave a message ▼