Home » Post Item » Prologue: Few Days Bago ang Pagsilang ng Ninja Creates Bloggy
Prologue: Few Days Bago ang Pagsilang ng Ninja Creates Bloggy
March 16, 2009Matapos ang pinagsamahan natin sa blog kong Untamed( na sa kasamaang palad ay hindi nagtagal), ngayon I’m stepping to another stone to further hone my talent in writing. Ang naunang blog ay nawala dahil narin s super confidential na mga rason. biglaan iyon at ngayon eto na naman ako, nag-uumpisang muli upang makapagsulat ng mga bagay ( na pwedeng may kwenta o walang kwenta) na makapagbibigay inspirasyon sa lahat.
Aktuwali, sa kasalukuyan ay di ko alam kung ano na naman ang magiging taytel ng aking blog. Magpasahanggang ngayon , ganaap na alas-nuwebe ng gabi taong 2009, Marso trese habang kasalukuyang nasa duty dito sa hopsital ay piniplit ng aking super powers na kalkalin sa kailalaliman at kasaluksulukan ng aking utak ( na ewan ko kung may laman pa) ang pwedeng magiging taytel ng blog na ito. Pati ang bago kong pangalan( nome de plume) na gagamitin ay pilit ko parin hinahalukay, hehehe.
Nweiz, naway suportahan at tangkilikin uli ng mga tao ang bagong blog na ito. Pangalawa iyon sa importante. Ang una’y makapagsulat ako dahil ioyn naman ang isa sa mga hilig ko. ang makapagsulat para sa sariling kalawayan at para narin magbigay inspirasyon sa ibang tao.
Espesyal taynks pala kay pareng Ferbert Bautista at Lio Loco sa suporta. I owe you one guys, anyway sa mga di ko nabanggit , don’t wori may puwang kayo sa puso ko. Arigato Gozaimas tomodachis!!! ( Thank u very much friends!!!)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



