Home » Post Item » A Dog Named Sasuke
A Dog Named Sasuke
March 17, 2009
Isa siya sa tinuturing kong barkada.
Tulad ng sabi ko kanina hindi siya pangkaraniwang aso lang. Hindi dahil may angking super powers ang aso ko kaya siya matatawag na exceptional sa lahat ng tao. Kung yon ang iniisip mo
Si Saske ay isang maamong aso. Mapagmahal kaya nga kahit ang pamilya ko’y matatwag na askal murderers, binago sila ng Saske ko. Noon, nag-aalaga ng aso ang aking pamilya sa tatlong simpleng rason; una, nagpapalaki sila ng tuta para in the near future maging guwardiya eto ng aming mansiyon.(mangarap ka Shinichi!) Tama, tulad ng karaniwang pamilya biktima din kami ng walang katapusan, karumal dumal at kasuklam suklam na nakawan. Unang nanakaw samin ay ang mga branded naming mga pantalon at damit. Nawala ang paboritong
Ang pangalawang rason ay simple lang. Mahilig mag-alaga ang aking pamilya ng mga hayop. Mapa pusa o aso kaya naming alagaan. Lalo na ako, mahilig talaga akong magpalaki ng mga alaga. Bunso ako at ang mga alaga ko noong bata ako ay magsilbing kalaro ko at sandigan sa panahong ako’y nakakaramdam ng kalungkutan.(emo-ness,hehe)
Pangatlong rason. Ang huling dahilan noon kung bakit nag-aalaga ang pamilya ko ng mga asong kalye ay sa business. ‘di naman to bigtime na business pero nagpapalaki ang pamilya ko ng aso para may ibenta para sa mga suking manginginom ng GSM blue sa barangay namin. Marami ng biktima ng Askal Killing Business ng aking ama at ng kuya ko. Ako? Nanumpa ako nung bata ako na I will be a Pro- Dog life hanggang pagtanda ko. Awang- awa ako sa mga aso ko nun na binoboljak ng kahoy sa ulo. Sinasaksak sa dibdib para mamatay habang nakatali ang mga paa ng kawawang hayop sa alambre para di makagalaw. At pagkatapos susunugin para mawala ang mga balahibo..tapos pagtatadtarin para gawing adobong aso,sinampalukang aso o dinakdakan(tsalap to the bones pare). Umiiyak at nalulungkot ako sa pagpanaw ng mga asong iyon.. Ang mga kapatid at anak ng mga asong naiiwan ng kanilang Dog relatives na nakasama sa killing festival ay puno ng hinagpis at lungkot. Dama ko ang lungkot na yon, kasi napamahal na sakin mga asong kinakatay ng sarili kong mga kadugo. Sa madaling salita KA-PU-MILYA na sila. Kabarkada. Kapuso at Kapamilya. Ganun sila sakin. ang sitwasyon noon ay karimarimarim na killing festival ng aso. Ngunit ng dumating si Saske sa pamilya ay
nagbago yon.
Sino nga ba si Saske? Hmmm. Dumating sa buhay naming si Saske ng nanganak ang aso naming si Kit( si Kit ay biktima din ng Askal Killing Festival) Actually, nanganak si Kit ng anim na cute na mga tuta. Si Naruto, Gaara, si Sakura, Neji, Kakashi at Si Saske. Sinunod ko ang mga pangalan nila sa mga paborito kong mga anime character sa Naruto.
Malapit sakin ang anim pero wala nang tatalo sa pagkakaibigan naming ni Naruto, Saske at Gaara. Silang tatlo, sa anim na magkakapatid ang paborito ko. Sila ang pinakacute sa anim. Pero si Saske ang pinakaborito ko sa lahat.
Dumating ang araw ng kanilang pagkahiwahiwalay ng mga malalaki na sila. Unang dagok sa kanila ay ang pagkamatay ng kanilang magiliw na Inang si Kit dahil sa inaasahang pangyayari ang kamatayan nito sa paglahok sa Askal Killing Festival ng taong 2006. Kasunod noon ay ang pagkakahiwalay ng mga magkakapatid.
Unang umalis si Kakashi, dahil sa pagkakasakit. Tumae ng dugo. Dedbol. Patay!
Si Neji naman ay inampon ng aking Tito samantalang si Sakura ay napunta naman sa isa pang kapatid ni Tatay. Si Naruto naman ay inampon din ng isa ko pang Uncle. Naiwan sa pangangalaga naming sina Saske at Gaara.
Akala ko noon ay talagang nagbago na ang kapatid at tatay ko. They’ve promised me that they will never kill dogs again. But then, we all know that promises are meant to be broken right?? Kaya nang hiniling ni Kuya si Gaara para maging handa sa kanyang birthday, ang laki ng sama ng loob ko. Ako si ang nagaalaga, nagpapaligo sa mga aso ko. Ako lahat pero iba makikinabang. Hindi dahil sa kumakain ako ng karne ng aso, hindi ko yon gawain.Ang gusto lang sabihin sa salitang makikinabang ay di ko na mapapakinabangan pagkakaibigan namin ng aso kong si Gaara.
At natuloy ang Killing Festival. Dama ko ang hinagpis ni Saske ng tignan niya ako sa mata habang dahan dahan pinapatay ang kanyang best friend at kapatid.
Ilang araw din bago tuluyang bumalik ang sigla sa buhay ni Saske. At unti unti niyang nakalimutan ang lahat ng masasakit sa buhay niya. Unti unti uling nagtiwala sakin si Saske. At tumigil at nangako ang aking ama at kuya na wala ng killing festival na mangyayari.
Tumagal ang panahon na talagang napamahal samin si Saske. Talagang kapamilya na talaga. Kung dati ay ako lang kalaro niya, nang naglaon ay kaibigan na niya ang buong pamilya. Tuloy- tuloy parin siya sa trabaho niyang sekyu sa bahay. Dumating ang Christmas at kapiling padin naming siya., Masaya ang taon. Masaya ang Noche Buena.
Kaya naman buong gulat ko ng marinig ang aking ina at asawa ni kuya na nag-uusap.
Nanay: Hay, ano bang nagyari kay Saske?
Ate
Akala ko kung benenta si Saske para maging kalahok para sa defunct Askal Killing Festival. Ngunit,
.Samut-saring tsismis ang naririnig ko sa pagkamatay ng mabait kong alaga. Na kesyo daw nahigh blood dahil sa madami itong kinain nung Noche Buena. Na kesyo daw inatake sa puso. Na kesyo daw pinakain ng vetsin para gawing pulutan at kesyo daw nilason kasi galit sa kanya ang mga kapitbahay namin. Hindi yun ang isyu ditto para sakin. Mas mahalaga pa sa tsismis si Saske.
Patay na ang aso ko. Malungkot. Kasabay ng kalungkutang bumabalot sakin ngayon dulot ng pamamaalam din ng aking minamahal na si Rose. Break na daw kami. Paskong-pasko. Putek. Wrong timing. Katatapos lang ng Christmas at papasok palang ang Bagong Taon. Hay… . Wala na si Rose. Wala na rin si Saske. Akala ko pa naman maiibsan ang kalungkutan ko dulot ng break up naming ni Rose dahil makakasama ko ang maamo kong aso. Di pala.. di pala…Mag-isa ko na lang dadalhin ang sakit ng aking kasawian. Kung andito
Sayang.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








