Home » Post Item » Palahaw ng Isang Musmos
Palahaw ng Isang Musmos
March 17, 2009
Sige magsawa ka. Namnamin mo ang mura kong katawan na nagbibigay katuparan sa iyong pantasya; sa malibog at hayok mong pagnanasa.
Alam ko naman na ito na ang gusto mo sa umpisa palang. Ang maangkin ang sariwa kong katawan. Sige Malaya ka na.Di na ako papalag pa. Wala na siguro sakin to, madalas mo naman na tong ginagawa sakin di ba? Anong pinagkaiba ng unang beses sa ngayon? Alam ko naman na wala akong magagawa. Kaya sige ituloy mo lang. Ang marupok kong katawan laban sa bakal at mapagparusa mong mga litid. Tiyak kong di ako makakawala . Wag ka ng mahiya, wag mong panisinin ang mga luhang dumadaloy sa ‘king mga pisngi. Huwag.. matutuyo din ito at maglalaho na parang bula. Ngunit ang iyong pagkahayok ay hindi.
Ilang katulad ko na ba ang biktima mo. Hindi ko maisip na sa ‘yong kadugo mo pa ginawa ito. Isa kang diyablo na mapagbalat kayo. Isa kang ahas na tumuklaw sa mga nag-alaga sayo. Isa kang buwaya na kumakain ng mga manok ng iyong amo. Isang lobo na walang sawang lumalansi sa mga tupang nagtiwala sayo ng lubos. Iyon ka, isa kang hayop na ganid at sariling sarap lang ang alam.
Maramot ka alam mo ba iyon? Hindi mo man lang naisip ang musmos na tulad ko. Masakit. Sobrang sakit ng ginagawa mo. Wala ka na bang konsensiya at hanggang ngayo’y pilit mong kinukuha ng paulit-ulit ang natitira kong dignidad?Kelan ka ba titigil? Bangkay na akong maituturing. Buhay sa labas pero matagal ng patay sa loob. Tubuan ka naman ng konting konsensiya!
Pero hindi! Hindi ka ganun at wala kang ganun! Bingi ka sa impit kong paghikbi at bulag sa aking pagdurusa. Unti- unti mong hinubad ang saplot ko at ang mga mata mo’y nagniningning sa pananabik. Masyadong masakit ang demonyo mong pagngisi. Ang taong pinagkatiwalaan ko’y isa palang halimaw na nagbalat kayo.
Sinimsim mo ang aking kamusmusan at inangkin mo ang kainosentihan ng aking pagkatao.Ninakaw mo ang aking dangal sa isang iglap lang. Ang kasiyahan sa aking pagkatao’y biglang naglaho. Napakagaling mo at wala kang tinira..kahit konti..ni anu paman, masaya ka na?
Iniwan mo kong walang malay.Wala man lang saplot sa katawan. Pansamantala akong tinakasan ng ulirat sa kababuyang ginawa mo. Di ka man lang nahabag? Ni panakbong upng makapagtago lang sa ata ng madla ay di ka nag- abala. Sa tingin mo ba’y may mukha pa kong maihaharap sa kanila?
Pighati ang naiwan sakin at sarap naman ang iyong napala. Paano na ba ako ngayon? May buhay pa ba ako matapos ang masalimuot kong bangungot? Bangungot na ikaw ang may gawa! May bukas pa bang maghihintay sa tulad kong naagawan ng lahat?!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



