Home » Post Item » Pinoy Dream Academy: Ang Eksena sa Likod ng Makulit na Audition
Pinoy Dream Academy: Ang Eksena sa Likod ng Makulit na Audition
March 18, 2009
Bago pa man mag-alas dos ng madaling araw ay gising na ako. Hindi pala, kalahating gising at kalahating tulog. Hindi talaga ako makatulog sa papalapit na palapit na audition ng PDA(Pinoy Dream Academy).Ilang araw bago ang mismong audtion sa Porta Vaga Shopping Mall, Baguio City noong nakaraang March 3, nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong anunsiyo ng PBB at PDA audition dates sa tv habang nanonood. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito para matupad ang aking “ultimate dream”, ang maging singer , makagawa ng maraming album at magbigay inspirasypn sa mga tao. Plus, andun na din ang kumita at makatulong sa pamilya ko at makabayad sa mga limot ng utang nina nanay.San ka pa? Milyong piso, bahay kotse, album at pagkadami-dami pang kasunod na mga opurtunidad manalo ka man o matalo sa PDA.
Matagal na akong fan ng PD, kaya nga gusto din subukan ang kapalaran ko tulad na lang ng libo-libong nakikipagsapalaran na makapasok sa ACademy man o sa Bahay ni Kuya. Noong unang season ng PDA ay di ako nakasama. Nung pangalawang season naman ay napakalayo ng venue sakto namang wala akong pera upang lakbayin ang Pampanga kaya naman ng malaman ko na sa Baguio ang audition ay nagdesisyon akong magbakasakali. Wala namang masama di ba?
Sumama ako hindi lang dahil sa premyo. Andun na tayo pero ang rason ko talaga ay gusto ko pang maimprove ang aking pagkanta. I love singing and music very muc. I love it more than writng and blogging. Ang pagkanta talaga ang passion ko at ang first love ( corny ba? hehehe) gusto ko din kasing maging ganap na singer. Gumagawa ako ng mga kanta. Kumakanta din ako dati sa mga bars at mga okasyon pero di na ko kuntento dun. I want a bigger crowd. Gusto ko talagang maging pro sa larangang ito at iyon ang rason kung bakit ako pumunta ng Baguio.
Mahirap siguro sa pamilya ko na tanggapin iyon. At hindi sila full support sa ginagawa kong pagkanta . Dati pa iyon noong nagbabanda pa ako noong college. Gusto ko talagang kurso ay iyong may kinalaman sa musika. Gusto kong pumasok sa Conservatory of Music mapa U.P man o U.S.T at makakuha ng Music Degree. Major in Voice at minor in Guitars or piano. Pero hindi iyon nagyayari,(well I’m hoping na pwede ko parin gawin iyon) kaya nga nakakatawa bat ako naging nurse ngayon. nakakatawa at mahabang istorya.
Balik tayo sa audition. 2:30 am gising na gising na ang diwa ko. Mga alas tres ay inumpisahan ko nang maligo. Saktong 3:45, I’m prepared for my battle..PDA ang ultimate dream ko here I come!!!! Alas kuwatro na ng umaga ng dumating ang Victory Bus na aking sasakyan patungo sa aking panagarap. Bago ako umalis , ilang beses na taimitimang dasal ang ginawa ko kay Papa Jesuzz( ang totoo ilang linggo din ang inabot ko sa pagdadasal mapagbigyan lang ni Bro) na maging okay ang kalalabasan ng audition ko. Tinext ko din ang lahat ng nasa ponbuk ko upang makahingi ng suporta’t panalangin. Feeling ko tuloy ako si Son Goku na humihingi ng ispiritwal na enerhiya lumakas lang ang Spirit Ball niya upang matalo ang cute na cute na si Majinbo(hehehe). Iyon nga lang hindi si Majinbo ang kalaban ko kundi ang mga daga sa dibdib ko. Ito na kasi ang momentum ng aking buhay..to na ang big twist at ang big event sa napakaboring na buhay ni Shinichi Kiddo. It will change my life kapag pinalad akong maging isang iskolar.
Alas sais. Location: Baguio, Gov. Pack Road, old terminal ng Victory Liner. Matapos ang isa’t kalahating oras sa Mc Arthur Hiway ay heto na ako. Tsaran!!! nasa Baguio na ang ninja ninyo. Tulad ng mga nagdaang hamon sa pagiging isang ninja ay tinanggap ko ng buong puso ang misyon na sumama sa PDA. Isa ito sa 101 Secrets of the Ninja Way. Kaya i swear by the moon,by the stars and the skies na I’ll be there(teka kanta to ah) in the Top 12 Scholars ng PDA SEason 3 so help me God. Naglakad lakad ako sa Session Road at tinungo ang Porta Vaga Mall. Nakita kong kaunti palang ang pila kaya nama dali-dali akong pumunta sa comfort room ng Baguio Cathedral para magbihis. Isinuot ko ang ang ultimate outfit ko para maupgrade ang pogi points ko sa mga judges na makikinig samin. Black polo lang at rugged maong pants na pinaresan ko ng Chucks. Presto Transformation Complete. READY FOR BATTLE!!! ROCKER NINJA MODE NA KO!!
Ilang saglit palang, madami na akong kakilala. Ang isa ay auditionee ng PBB Teen Edition,ang isa sa PBB Regular at ang karamihan sa PDA. Tsikahan Galore….
Auditionee 1: yo bro, wer u?
shinichi: from the land of the rocker ninjas, wer u?
Auditionee: La Union
Auditionee 2: ako din
Mga Sumingit: Kami bicol!!!
and the rest was history.
Wow, hindi lang pala ako ang nakikipagsapalaran sa audition na ito . Marami pala kaming mga ninja na ipinaglalaban ang aming mga pangarap. Kulang ang buong maghapon para malaman mo ang kuwento nila. I’ll say it in PDA’s Way; kulang ang maghapon para malaman ang drama sa likod ng kanilang mga pangarap.(hehe) Marami pala ang tumanggap ng misyon na makapunta sa tuktok ng tagumpay ang maging isang PDA Grand Star Dreamer na kung tutuusi’y kaparehas na din ng pagiging isang Hokage sa aming Ninja World. Naisip ko na di pala biro ang hamong tinanggap ko kaya naman lumakas pa lalo ang hangarin ko na magtagumpay sa misyong ito. Subalit naisip ko din, na ganito naba kadesperado si Juan Dela Cruz at pati mga pakontes na ganito ay tinatalo na niya? Suntok sa buwan ika nga pero sabi nga ni Bugoy di ba, “LAHAT PWEDENG MANGARAP!!!!” Tama nga naman, hindi ka ba mangangarap kung ang tanging libre na nga lang sa panahong ito ay ang pangangarap?
Padami ng padami ang mga tao. Humaba ng humaba ang pila. Lumipas pa ang ilang oras at di na mahulugan ng karayom ang buong Parking Area ng Porta Vaga. Saktong alas- onse ng umaga kami nag-umpisa.
This is really is it!!! Naalala ni’yo ba ang tagline na to?Tama kay Ai Ai sa pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Mas lalong namawis ang mga pasmado kong kamay at nag-umpisa na namang mangatog ang aking mga tuhod. Tanda na dinadaga na naman ako. LUB DUB LUB DUB LUB DUB yan ang maririnig mong pintig ng aking puso na lalo pang bumibilis. Aatakihin ata ako sa puso sa sobrang kaba. Pinapasok kami sa loob ng opisina ng ABS CBN Northern Luzon New Team. Kabilang ako sa unang Batch, sampung hopefuls sa bawat batch; pangsampu ako.Misomong si Teacher Monet ang umestima samin. Ilang segundo pa ang lumipas sumalang na kami isa-isa sa deathrow. Para sakin palpak ang unang hopeful bagamat astig ang composition nito pero hindi talaga pwede ang boses nito. Ang Hopefuls # 2-9 ay pawang magagaling din. Habang kumakanta ang mga nauna sakin, hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Di ko parin kasi kabisdo ang audition piece ko. Dahil dun pumili ako sa I’ll Be, Your Guardian Angel at Without You tatlo sa mga kabisado kong mga kanta. Di ko namalayan na tapos na pala si Hopeful number 9 kaya naman mas lalo akong kinabahan dahil ako naman ang sasalang. “Ako po si Shinichi Kiddo, 23 years old ng ninja country. ang kakantahin ko po ay I’ll be ni Edwin Mccain.” yun ang pambungad ko kay Monet. bumanat nga ako ng I’ll be at nakinig naman si Monet. Pinatapos niya ang kanta at nag t.hank you sakin. Sinabihan kami na pagkalabas namin ng kwartong iyon ay saka namin malalaman ang resulta ng audition.
Pagkalabas, wala ni isa sa amin ang nakapasok man lang para makapagpatuloy sa level 2 ng screening. Awts.. ang sakit. Ang pag-asa ay biglang naglaho sa aming sampu. Gulat na gulat kami sa nagyari. Tinanggal ang numerong nakadikit sa aking damit, tanda na nagsasabing,” Hopeful #290 your journey ends here.” Awts uli at bleep words ang gusto kong sabihin nun pero ni isang kataga ay walang lumabas sa aking bibig. I was in shocked.
Mahirap pala talaga ang umasa lalo’t umaasa ka sa wala. Yaiks. Sakit. Suntok nga talaga sa buwan ng aking ginawa. Napagtanto ko na hindi worth ang puyat, pawis at pagod ko sa pagpila at ang effort ko sa pagprapraktis ng kanta. Masakit kasi maikli at hindi man lang sincere ang Thank you na narinig ko na kapalit ng lahat ng paghihirap ko mapasok lang sa PDA. Sabi nila ang mga star daw ay may tamang oras sa pagsikat. Sabi pa ng iba na baka hindi pa ito ang right time. Yeah right, pakonsuwelo ko nalang sa sarili ko na, ” I did my best.” at at least tri-ny ko. Hindi na ako mag-iisip ng pano kaya kung sumama ako? mga ganong banat.Pero masakit padin. pilit ko mang iwaksi sa isip ko hindi parin ako okay. Pangarap ko kasi iyon. hindi lang iyon ganun ganun lang. Hay, meron pa naman next time.
Sa gitna ng panlulumo naalala ko uli ang sabi ni Bugoy, LAHAT PWEDE MANGARAP!! Mayron pa palang pag-asa pagkatapos ng audition. May buhay pa pala akong babalikan. Hindi pala nagtatapos sa audtion ang buhay ko. Bagkus mas malaki pa ang entablado na dapat kong harapin at paghandaan.Hindi pala dun natatapos ang lahat.Marami parin palang next time,malay mo next year habang bumiyahe ka at nasa EDSA BillBoard ko na pala tinitignan mo.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



