Home » Post Item » You Had A Bad Day
You Had A Bad Day
March 22, 2009Hay bago ako matulog kagabi ay sandamakmak na naman na pagaalburuto ng tiyan ang naramdaman ko. Super sa over na diarya ang naranasan ko kagabi. (kaw ba naman ang kumain ng pagkadami daming icecream at di matapos ang pagsubo mo ng mga pagkaing ayaw mo ng tigilan…try mo un ) tignan mo at kung hindi ka magdiyarya(diarrhea) pustahan tayo at pag hindi man sumakit ang tiyan at ang iyong anus ay hindi humapdi.. balik ko sayo ang pusta mo..hehehe..
Pero alam ninyo hindi ang pagdidiyarya ko ang dahilan kung bakit I had a bad day. Kung iyon ang iniisip mo maling mali ka.Salamat nga sa diyarya at dahil dun nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko matapos ang dalawang araw na hindi pagdumi.(Gross ba?)Paumanhin sa mga kumakain at mga umiinom dahil sa kadiring entry na ito.. Balik tayo sa kwentong bad day..
Kahit isang oras palang akong nakaupo sa harap ng aking lujmang kumpyoter, ang aking ermitanyong tatay ay sinumpong na naman ng kanyang sakit. Frustation siguro ni tatay ang pagpapari at dahil dun umandar na naman ang pagiging ministro nito. Sandamakmal na sermon ang aking napala sa isang oras lang kakakompyuter. Shemay…mahirap pala talaga kung PAL(palamunin )ka parin ng magulang mo) Sandamak mak na Aleluya at amen ang natatangap ko sa araw araw na ginawa ni Pader JESUZZ.. Everyday is a time to hear sermon ika nga.Kaya naman ng gabing un badtrip akong humiga at natulog..
kinabukasan………………..
nakaktawang isipn na hindi lang pala si tatay ang gustong magaral ng theology. Gulat na gulat akong isipin na ang ever caring at ever loving kong mader ay sungit sungitan ang drama alas sais palang ng umaga. Hay, may kutob ako na this day will be bad. Ang napili namang topic ni nanay ang isyung porket gradweyt na kot may titulo bilang nurse ay kung bakit daw hanggang ngayon ay wala parin akong regular na trabaho. Uu nga’t nars na ako ay volunteer parin ang lagay ng inyong mahal na ninja. Gusto ko ngang sagutin ang aking ina na tanungin ninyo ang ospital at bat hanggang ngayon ay di parin ako maregular s propesyong kong ito. Sa mga nurses at mga volunteer nurses na bumabasa na aking blog ngayon siguro alam ninyo ang hirap na pinagdadaanan ng mga tulad natin makatanggap lang ng kakapiranggot na sweldo na kung pagtrabahuan nati’y halos maubos na ang dugo’t pawis natin sa katawan. akala ko nga din noon na pagkakgradweyt ko’y automatic na meron na agad na naghihintay na trabaho sakin. Hindi pala ganun ang kalakaran, uu nga’t may naghihintay pero ang hindi itinama ng mga madlang pipol ay kelangan mo pa palang makipagtaguan at makipaglaro ng patintero(in short ay maghanap) para lang makkakuha ka ng pagmumulan ng iyong sweldo. Badtrip pala ang ganun. hehehe kaya gusto ko na lang uli bumalik sa pagiging estudyante at maghintay na lang sa ibibigay na biyayang alowans ng aking mader.Hay pero hindi na ganun ang buhay ko ngayon.
Matapos kung pakinggan ang litanya ng aking nanay. Naisip kung humirit ng isang pilosopong banat ng sa ganun ay hindi masyadong badtrip ang umaga ko.
Eksena 1: Ako patungong banyo.maliligo…….
Nanay: KUMAIN K NA BA!!!!( PASIGAW)
Shinichi: Busog na po ako.
Nanay: Aber at anung kinain mo(PASIGAW PADIN)
Shinichi: SERMON( YAN ANG BANAT)
Dumugo ata ilong ng nanay ko ng sinabi ko yun….hinayaan ko nalang lunurin ng malamig na tubig mula sa shower ang litanyang sinasabi ng ever sweet kong nanay. SWEET D B?
Ala-siete ng umaga nasa hospital na ako. Salamat sa magaling kong nanay at dahil dun nasira ang routine kong alas otso impuntong pagdating sa ospital. Una,receive muna ako ng mga pasyente para naman ay maging smooth ang flow ng trabaho may dumating mag OPD o Emergency case. Wala pa kasi ang aking mga kasama kaya mas mabuting umpisahan ko na ang trabaho. Mga anim ata ang mga in-patient nun. Ok lang at nagsimula na din akong tignan ang kardex ng endorsement uang malaman ang pwedeng gawin sa mga pasyente…
Alas otso, dumating ang mga kasama ko. Alas nuwebe nagsipagdatingan ang mga Out patient at dahl dun medyo nararamdaman ko na ang tensyon sa loob ng ospital. Marami na ang mga psyente at kelangan na naming maging mga super nurses upang maantidihan lahat ng kanilang mga pangangailangan. Ilang oras pa ang lumipas at ang ospital ay mistulang zoo sa ingay at gulo. Hindi na ako magkandaugaga sa lahat vng ginagawa ko. Kung si ULTRAMan nga nalolobat ako pa kaya. Pagod na ako lalo pat ang mismong kinain ko sa aking almusal ay ang masarap na sermon ng aking super sweet at everloving mader. Pawisan na ang aking singit( yaks…) dahil sa pagod. Dagdag pa ang grabeng init ng ospital na kulang na kulang sa aircon. Hanep para akong nasa barbeque grill at tulong tulo ang mga pawis ko. Nahihilo na din ako sa kakaikot. Para akong trumpo na walang patutunguhan. Buti nalang at nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagpahinga kahit ilang minuto lang. Sabay sabay kasi ang mga pasyente kung dumaing.
EKSENA 2: MGA DRAMA SA OSPITAL
Patient 1- my hypertension, groggy at uncooperative laging tinatanggal ang mga swero at pulse oximeter sa katawan. Every 5 seconds din kung isuction dahil sa madilaw dilaw at malagkit nitong plema sa oropharygeal ways.
Patient 2- Ang Amerikanong super sa reklamador at ang pinaka “Gusto” ko sa lahat
Patient 3- Katatapos lang maoperahan sa pamamaraang appendectomy
Patient 4- Mother and Twins
Patienbt 5- Diabetic patient
isama mo pa sa listahan ang jumble jumble na listahan ng mga gamot, mga makukulit na mga OPD’s at mga maiingay na intern ng mga nursing iskuls.
Meaning, Im having a bad day. Akala ko talaga okay sa olrayt na ang sitwasyon. Yakang yaka na namin. Our reflexes are reacting effectively sa mga stressors ng buhay. Akala ko pa naman ako na ang pinaka dabest na ninja sa aming academy.Isa kasi sa mga pinakatraining namin sa ninja academy ay ang pagiging swift sa lahat ng bagay. Lahat mabilis, pero hindi lang basta mabilis. KUNDI kalkulado din lahat ng gawa mo. Hindi lang basta galaw dapat may pinapatunguhan. Ika nga sa paghagis ng mga shuriken dapat may target.. dapat asensado. ISA iyon sa SECRET Ways 101 ng isang pagiging Ninja.aT isa iyon sa aking mga kakayahan kaya nga kahit ganun ang sitwasyon na para akong mapapatrabol sa sitwasyon ay kalmado ako.
Hindi ko akalain na mawawala ang konsentrasyon ko sa pagiging mahinahon. Inutusan ako na magpalit ng swero ng aking kapwa volunteer at dahil isa iyong misyon na kelangan ng teamwork humayo ako. Si Patient amerikano pala ang aking subdyek. Misyon ay ang palitan ang ubos na nitong dextrose. Napansin ng aking bionic at super observative eyes na pinasukan ng hangin ang kanyang swero kaya naman. Ginamitan ko ito ng aking kakayahan. I will aspirate the air in the tube with the use of a syringe. Yun nga ang ginawa ko, ngunit hindi pala ganun kadali ang misyon tulad ng mga nagdaang mga pagsubok may kaakibat itong problema kaya naman ng nakita ko ang kanyang dugo sa swero na nagbackflow, binilisan ko ang flow rate ng dextrose. Sakto nawala ang dugo at naiaalis ko din ang hangin sa kanyang swero. MISSION ACCOMPLISHED. I flushed the syringe with sterile water to maintain its sterility. TAKE NOTE: Hindi po napasukan ng dugo ang syringe na ginamit ko. Pumunta ako ng banyo upang isirit ang hangin at sterile water na nasa syringe. Tinakpan ko at naghandwashing. At ibinalik ang syringe sa medicine table.
EKSENA 3: Ang Confrontation
Matapos kong ginawa ang misyon ko sa Amerikano ay abot ang ngiti kong bumaba sa groundfoor( ASA 2ND FLOOR pala si Mokong) Umakyat naman ang kasama kong volunteer upang magbigay ng gamot. Sumama ako uli papanhik sa itaas upang bisitahin ang iba pang mga pasyente. Kumatok si Volunteer sa kwarto ni Amerikano at nagpaalaam na magbibgay ng gamot…
Uncle sam: I dont want to use that syringe its contaminated
VOL: Sir its not.
US: The male nurse had it contaminated its used to aspirate the air in my tube
In short ayaw talaga ni kano ang syringe kaya napltan si volunteer na tanungin ako kung contaminado ang seringilya(SYRINGE) at ang sabi ko namang malinis ito. Akala kasi ni kano pinanghugas ko ang tubig na nasa cr pero di nman. Sinabihan ko ang volunteer na ixplain nalang na sterile water ang ginamit kong panghugas ng syringe.
Akala ko panaman ay ayos na. Bumalik kami sa groundfloor na kampante na at okay na ang lahat. Sumabak kami uli sa maaksyon na gulo sa baba. Hanggang ipinatawag ako ng aking medical director. Nagsumbong pala ang g*g*ng kano kaya naman ang ninja ninyo na uber sa sipag(ahem) ay nasabon. Kinausap ako ng MD at ipinaliwanag ko ang buong pangyayari na misunderstanding lang ang lahat. Na Nag assume lang si Kano at gumawa ang kanyaNG praning na utak ng isang nakakabwisit na istorya. Nang matapos ang masensinang usapan ay pumunta ako kay Uncle Sam upang magpaliwanag. Masinsinan din titong paliwangan at pagduduwelo. Matapos manghina ako sa pagkawala ng maraming dugo dahil pagnonosebleed ay muli na namang nagtagumpay ang katotohanan. Nahirapan man ako sa aking kaaway ay puno parin ng kaligayahan ang aking natamo. Ang ninja ay humarap sa kanyang katunggali at nanalo sa hamong maligalig. Siguro ngay I had a bad day pero premyo na sigurong naipaglaban ko ang aking sarili at ang malamang tangan ko parin ang maliwanag na katotohanan.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



