Home » Post Item » To My Ever Sweet and Loving Nanay
To My Ever Sweet and Loving Nanay
March 26, 2009Dear Nanay,
Ewan ko ba at bakit kahit na ilang pokpok na ninyo sa ulo ko ay supeeer sa tigas parin nito.Kung tutuusin ay ibang klase kayong humataw ng aking coconut shell pero isipin ninyo nasa early twenties ko na eh matino parin at masikip ang mga turnilyo ko sa utak. Biro lang Nay, marahil nagugulat ka sa nababasa mo ngayon.. haha.. isang love letter mula sa iyong pilosopong anak. Marahil ngayon ay hindi ka makaiyak o hindi ka makatawa kung saka sakaling mabasa mo ang mga pinagsusulat ko ngayon. (Siguro nga gulat na gulat ka as in shock as ever,hehe)Pero naisip ko, malamang na kung mangyari mang mabasa mo itong gawa ko ngayon ay tiyak na nagkaroon na ng bagong himala sa mundong ibabaw. Daig pa siguro ito ng Second Coming ni Papa Jesuzz. Kasi alam ko namang bagamat isa kang hippie- ing ina ay hindi ka maihahalintulad sa mga techie at makabagong ina ng kasalukuyan.Hanggang ngayon nga di ba Nokia 3310 parin gamit mo kahit na gusto na kitang bilhan ng bago. Ayaw mo kasi, mahihirapan ka na namang mag-adjust sa bagong modelo.
Pasensiya na ha, kasi madalas hindi ko sinusunod ang payo mo. You’re so dominating kasi and sometimes it pisses me off.(joke lang) Well, sabihin natin na half truth lang yon. Ang totoo, nagpapasalamat ako dahil naging nanay kita. Hindi ako siguro ako magiging Shinichi Kiddo ngayon kong hindi dahil sa pagmamahal mo. Bagamat may sarili na akong isip at mga kagustuhan sa buhay, hindi ko naman binabalewala ang mga payo ninyo sakin;akala mo lang iyon. Minsan lang kasi, nasosobrahan lang ang pagiging dominating ninyo sa buhay ko. pero okay lang yun. Ganun talaga siguro ang mga nanay..bilang magulang gusto ninyo na mapabuti lang ako.
Huwag ka sanang magalit dahil nagbloblog ako uli ngayon, ( at ang freshest topic ay ikaw, lagot na!!!), kahit na pinabura mo ang “untamed”(untamed.i.ph) ay hindi parin matiis ng puso ko na hindi humarap sa nakakasilaw at nakakabulag na monitor at tumipa ng tumipa sa luma nating keyboard. Puyat man ako’t pagod sa paggawa ng mga nais kong isaloob sa blog ay nasisiyahan naman ako kahit paano. Alam ko namang private person ka pero ito ang isa sa mga hilig ko - ang pagsusulat. Bagamat sa tingin ng karamihan ay kababawan lang ang aking ginagawa para sakin ito’y bahagi ng aking sarili at ng aking mga kakayanan, hiling ko na lang ay suportahan ninyo ako sa mga gusto ko at mga pangarap tulad na lang ng pagsama ko sa PDA( ngunit alam kong labag iyon sa mga ibig ninyo sakin). Naway irespeto ninyo ako at ng aking mga gusto tulad nalang ng sandamakmak na pagrespeto ko sa inyo ni Tatay.
Kung naging pasaway man ako,karamihan doo’y may mga dahilan. Kilala ninyo naman ako, di naman ako padalos-dalos sa mga desisyon ko. Tulad ninyo namana ko ang inyong analytical thinking at systematic planning. Feeling ko tuloy ako si Einstein sa mga namana kong genes sa iny dahil sa mga sinasabi ko ngayon. Salamat dahil bagamat, hindi ako perpektong anak ay nakuha mo parin akong intindihin at alagaan sa laaht ng oras. Naalala mo pa ba nung natusok ang noo ko ng alambre? Andun ka at ikaw ang unang sumaklolo sakin at nagdala sakin sa doktor. Kahit di na makilala ang mukha ko sa mga sulsi ng doktor ay pilit mong pinapalakas ang loob ko at binubuhusan ng iyong pagmamahal.
Sa mga tae,ihi at sipon na nahawakan mo pati kagat ko sa boobsie mo nung baby pa ko, patawarin mo ako. I’ll never hurt you again,not now that I’m a nurse. Kahit na ba di ko masyadong trip ang propesyon na to ay tinitiis ko.Ganun kita kamahal. I gave up my own personal dreams already and decided to go with your will. Kahit ba mahirap at madalas ay napipilitan lang akong mag duty.Ako na ang mag-aalaga at magbabantay sa inyo dumating man kayo sa Senior Age at makaavail ng discount gamit ang Senior Citizen Card( Sama ninyo ako sa discount ha.hehe) Kung dumating man ang panahon na uugod ugod na kayo ni tatay, wag kayong mag-alala; bilang bunso ng pamilya ayos lang na maging kargo ko kayo. Pagkakataon mo na ding bumawi pag nagkataon, sa mga tae, ihi,sipon na naipunas ko sa mukha o noong baby pa ako.Pwedeng pwede mo na ding gawin yon sakin pagdating ng araw na iyon.(Wag ka naman po sanang magkaroon ng Alzheimer’s ng di ako masyadong mahirapan, pero ok lang magkaganun man. Tandaan ninyo po na kahit na anung mangyari mahal na mahal ko po kayo.
Maraming salamat sa pagluwal ninyo sa akin dito sa mundo. Hinding hindi ko po iyon makakalimutan. Ngapala, Hapi Maders Day at Hapi Birthday na din Nay!!!
Ang inyong bunso,
Shinichi
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








