Home » Post Item » Old Mementos
Old Mementos
April 4, 2009Dalawang araw ng sira ang bulok kong computer. ewan ko ba at biglaan nalang bumigay ang CPU nito. alam ko namang luma na ito pero hindi ko parin inakala na iiwan nalang ako bigla sa ere. hindi tuloy ako makaharap at magdamagang sumubsob sa harap ng monitor makasulat lang ng pwedeng ilagay sa blog na ito.
Sabagay, madami narin kaming pinagsamahan ni pareng computer. Doon ko ginagawa ang mga resume kong naging dahilian kung bakit ako isang medical ninja ngayon. Doon rin ako unang guawa ng unang video ko para sa Youtube na ngayo’y binura ko na, unang Imeem, magdamagang pagkumpuni ng profile sa Friendster, Multiply at mga social networking sites na nagsisilitawan ngayon. Doon din ako natuloy magblog. Tinangkilik nga ng ilan ang untamed.i.ph. At least hindi ito nilangaw tulad ng nangyayari ngayon sa ninjacreatesbloggy. Mas nakilala kasi siguro ang alyas kong OOOps di na pwedeng banggitin kaysa sa gamit ko ngayong Shinichi Kiddo pero ayos lang natural lang naman siguro na mangamote at langawin ang site na ito ngayon dahil wala pa namang isang buwan ito. Isa pa hindi ko talaga pinagkakalat ang site tulad nalang ng ginawa ko nung una.Hindi naman kasi ako gumawa ng domain para magpa-impress lang sa mga tao. Ekspresyon lang ito ng magulo at makulit na isip ng inyong Yours truly. Balato nalang siguro ang pagtangkilik ninyo sa mga gawa ko.
Balik tayo sa computer. Tulad ng ibang gamit, marami na din akong napaglumaan. Cellphone,damit digicam atbp kaya nga masakit isipin na ang tanging karamay ko sa pagbloblog ay namaalam nadin. Marahil tama siguro ang kasabihan na malalaman mo nalang ang halaga ng isang bagay kung wala na ito. Same goes sa tao, marerealize mo nalang na mahalaga pala sila pag dedbol na ang mga ito.Saklap noh? Ironic talaga ang buhay pero ayos padin kasi bilang mga tao we were created to move on. Same with the old gadgets. We need to move on and must embrace the new things. ang mahalaga, huli man na ang lahay natutunan nating mahalin at bigyan ng importansiya ang mga bagay at mga tao ng ating nakaraan.Wala man sila sa tabi natin , baon baon natin ang mga alaala at mga karanasan sa buhay nung kasama pa sila. sapat para harapin ang bagong hamon ng buhay.
Previous Comments
kapag nagawa mo ng talikuran ang mga lumang bagay (at tao), dadating pa din ang pagkakataon sa buhay mo na dadaan ka sa “memory lane.” bubuksan ang time capsule. masasabi mo na naka-move on ka na mula sa nakasanayan mo pag nagawa mong tawanan na lang ang mga napaglumaan ng gamit (at mga tao). kung baga dadating ka din sa punto na hindi ka na apektado, particulary towards persons, pag nakasalubong mo ang mga tao mula sa iyong nakaraan, at deadma ka lang.
to quote lang “marerealize mo nalang na mahalaga pala sila pag dedbol na ang mga ito,” totoo ang sinabi mo kaya nga kung narealize mo yun ng maaga pa, aantayin mo pa ba na mamatay ang malapit sa iyo bago mo man lang masabi sa kanya/kanila na mahalaga sila?
kaya kung sino o ano man ang nawawala sa iyo, just cherish the memories of that thing or person… at sa mga patuloy na nanatili kung meron man, mapabagay o tao man, hindi mo lang ingatan, kung kaya mo patagalin, i-maintain mo lang lalo na ang magagandang samahan at pagkakaibigan.
Posted by kawaii mochi at April 27, 2009, 2:14 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









binasa ko lahat ng blogs mo pare, ehehe.. aliw, lalo na ung pda. very cool very cool. you have a gift. use it to speak for all of us who cant speak pare.
Posted by bj at April 8, 2009, 1:37 pm