Home » Post Item » Ang Orocan Syndrome Nga Naman
Ang Orocan Syndrome Nga Naman
April 14, 2009Ewan ko ba at kahit ilang beses kong ulit uliting isipin kung bakit ang masiglang ngiti dati rati ng aming mahal na pharmacist slash kahera ng hospital ay biglang napalitan ng kasungitan. Wala naman akong natatandaang atraso sa kanya maliban na lamang sa less than one hundred pesos na utang. Bukod dun wala na. As in wala na talaga, kaya abot-abot ang aking pagtataka kung bakit ganun nalang ako irapan ng walang pag-aalinlangan. Alam ko na matagal na niyang alam na silahis ang asawa niya at alam na rin niya sigurong panakaw akong tsinatsansingan nito. Kaya nga iwas na iwas ako. Ayaw ko yatang mahawakan si Junior ng kung sinu-sino lang lalo na’t hate ko din ang mga manyakis tulad ng kanyang asawa.
Kanina lang ay tinanog ko sa pharmacist namin kung bakit biglang nagbago ang pagtrato niya sakin. Kung bakit biglang nagbago ang pagtrato niya sakin ngunit busangot at pagkunot ng noo lang ang kanyang naging tanging tugon. hindi ko na sana ito bibigyang pansin ngunit mahirap talagang ispelingin ang takbo ng utak ng babaeng ito. Para bang sa shoebiz, malutong na intriga. Sa Tate, isang hot and juicy ietm na talaga namang pagkakaguluhan ng mga paparazzi. Sa mga gadgets, ito iyong matatawag mong uso.
Sabagay, uso na talaga ang mga plastik sa mundo. Ano pa nga ba. Tambak na tambak na nga ang Payatas ng mga samut-saring mga plastic di ba? At pati ang mga tao ngayong panahon ay tila nahahalintulad narin sa iba’t ibang klase ng plastik. May kilala at sosi, iyong iba naman keri lang. Parehas lang naman ang baho parehas lang ang uri. Kalahati o higit sa kalahati siguro ng ‘Pinas ay apektado na ng Orocan Syndrome.
Talaga yatang mahirap ng makahanap ng mga tunay na kaibigan ngayon.Halos lahat kasi may tinatagong maskara, parang kaplastikan ang drama. Akala mo sa umpisa, kauri mo pero iyon pala isa silang napakalaking mga peke. Marami narin akong nakasalamuha at nakadaupang palad na akala ko maituturing kong mga kaibigan,. Iyon pala hanggang umpisa lang ang lahat at hindi mo namamalayan na unti unti sinasaksak ka patalikod. Namurder ka na pala hindi mo pa alam. Para silang mga telenovela ng ABS AT GMA na naglipana na kung kelan ka na adik na adik sa panonood ay bigla ka nalang mapapatunganga dahil putol na at bukas na lang uli ang kasunod na istorya. Sinakripisyo mo pa ang hindi pagkain ng hapunan makapanood kalang at hindi mahuli sa plot ng istorya pero ang bottom line ay bitin na bitin ka. AWTZ.. masakit.
Ganun ang pakiramdam ng pagkakaroon ng kaibigan na Orocan. Tipong tiwalang tiwala ka sakanila at isang iglap patay ka na pala sa hemorrhage o excessive bleeding. Yung eksenang dalawa kayong magkasama sa eroplano at tig-isa kayo ng life jacket pero lantarang at garapalan niyang inaangkin ang sayo kahit meron na siya. Akala mo okay kayo pero ilusyon lang pala ang lahat dahi ang totoo gustong gusto ka na niyang mawala. At ang iniisip mong pagkakaibigan ay isa palang kahibingan sa kanya.
Mapalad ako at kahit konti ay mayroon akong matatawag na mga totoong kaibigan, Iyon bang subok na ng panahon tulad ng Motolite battery(hehehe); iyong bang hindi pakitang tao lang ang dating. Lagi silang andiyan sa tabi mo kahit na ikaw na mismo ang tumataboy sa kanila dahil sawa ka na sa pagmumukhan nila(hehehe). Sabi nga ni Jaymie Joaquin ng programang Games Uplate Live,”Mga Kabagang, mga kautotang dila etcera etcera.” Mapalad ako at hindi sila apektado ng Orocan Syndrome.
Mahirap magtiwala ngayon at mahirap magkaroon ng sakit ng ulo mula sa mga taong hindi kawalan.Pahiram nalang sa linya ni John Lloyd sa sikat nitong Biogesic Commercial,”Ingat.”
Previous Comments
Hi, this is Earl (Kim’s friend) and I am visiting your awesome blog site.
This entry is superb. Personally I cringe whenever I see Orocan people.
Posted by Earl at April 15, 2009, 12:10 pmsalamt salamat sa suporta…mga bro..
Posted by ninjacreatesbloggy at April 15, 2009, 7:40 pmsince tupperware is not that fame nowadays, orocan is the most widely used term for plastics.
Posted by we at April 20, 2009, 5:30 pmmadaming dahilan kung bakit may mga “orocan” as you termed it.
iniisip nila na may mahihita o mahuhuthot sila sa iyo. maaring dahil sa mayaman ka o maimpluwensya ka. dahil may kailangan sila sa iyo; magmula sa kasangkapan hanggang sa pera. ung iba for the sake ng pakikisama; ayaw lang ng kagalit o kaaway. ung iba for the sake of being civil or professional.
kung sa kaibigan lang, malalaman mo naman talaga kung sino ung orocan. sila ung pag meron ka at masaya ka, andyan sila. pero pag nalulugmok ka na sa putik, sila ung tinatawag mo pero ni isa sa kanila wala para sa iyo; parang tulad sa story ni Job.
sa pananaw ko, mas ok ung isang type ng “orocan” na pag sa harap ng maraming tao, deadma lang siya sa iyo o nagkukunwaring walang pakialam. siya ung tipo na hindi ka pinapansin o dinadaanan ka lang. ung tipong snob pa pag binati mo in public. ung walang reaksyon. pero pag nasa danger ka na o sumisigaw ka na ng tulong, siya ung orocan na dadating ready to save you or give you a hand; nagpapakaplastik na walang pakialam pero ang totoo pala may concern sa iyo; shy type lang siguro.
totoo na sa panahon nga ngayon mahirap magtiwala ng basta-basta. magmula sa old to new friends for people change, and dun mo malalaman who will stick to you until the end; buti may mga natataboy ka pa na mga kaibigan dahil sawa ka lang sa kanila, at least bumabalik pa din sila para lang sa iyo.
Posted by kawaii mochi at April 27, 2009, 2:45 pmnarito ang mga bagay n dapat mong kaingatan:
una- ung asawa n nghahawak kay alam m na.. ewwwwwwwwwww
pangalawa- ang asawa ng asawang nghahwak kay alam m na ewwwwwwww dahils knyang “beautiful eyes”
pangatlo- mga teleserye ng ABS at GMA.. hindi lng dahil s bitin kundi dahil n rin s puro n lng mga lumilipad n kung anu-ano o mga ilaw ilaw slash hollywood special effects daw ang tanging nakikita natn gabi-gabi.. nde b nkakacra ng ulo? nakaka-insulto no? hahaha
panlima- ang orocan mismo, wag ka.. maraming naaakcdnte dhl s orocan.. may nppasubsob tas nde n mtanggal; nsusuffocate cla o nalalason cla s knilang hininga
pang-anim- mag-ingat k n din kxe d m yata npancng nawawala ung pang-apat
panghuli- s pninpli mng kaibgan; nde lng plastik ung mga iba,.. cla ay reinforced plastic with glass finish (o di ba? kapalan 2 da max.. xempre wlang ganun.. nu k ba)
Posted by blognijet at June 10, 2009, 11:12 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









magingat sa naglalakad na orocan na drum at timba pati aparador na din hahaha
)
Posted by Nash at April 15, 2009, 8:48 am