Ampalaya Bits and Lollipops

April 20, 2009

     Sarap na sarap ang bata habang dinidilaan nito ang icecream na unti- unti ng natutunaw. Nakakaaliw talagang pagmasdan ang pamangkin ko. Ang maamo nitong mukha na di kakikitaan ng anumang bahid ng problema. Ang tanging banaag sa maamo nitong mukha ay ang kasiyahan na dulot ng pagdila sa natutunaw, matamis at malamig na icecream;panandaliang lunas sa   nararamdaman nitong init dala ng summer. Maamo talaga n g mukha ng pamangkin ko. Siyempre pa kanino pa magmamana kundi sa lahi din namin. Di naman sa pagmamayabang nakakaangat naman ng konti sa nakakrami ang itsura ng aming angkan. hindi lang siguro artistahin na maituturing  pero hindi naman maituturing  at masasabing pinagkaitan ng mukha in short- PANGET.

     Naisip ko lang nakakainggit ang pagiging bata. Puno ng kasinosentehan, puno ng pag-asa, ng pangarap, ng buhay. Samantalang tayong mga may edad na at meron ng sariling pag-iisip ay puno ng agam-agam sa buhay. Naalala ko pa noon na ang tanging iniisip ko lang nung bata ako ay ang makapanood ng paborito kong anime ang X-men, at mga palabas pambata tulad ng Jetman,Power Rangers et cetera et cetera. Yun kasi ang uso noon. Di ka in kong hindi ka nakapanood nun. Kasi basta sa recess yun ang usapan ng lahat. Kung paano natalo ng mga X-men ang mga Sentinels. Yung Paglipad ng mga Jetman at  kung ano ung bagong natutunan sa Sineskwela at ATBP. Those were the times when we as  children are carefree and so vigorous. Ang sarap balik balikan ang nakaraan lalo pat kunh ang childhood mo’y puno ng kulay.

     Samantalang ngayon, wala na akong pagkakataong  para maging bata. Siguro may mga panahong isip bata ako pero isinasantabi ko yun tulad ng ginagawa ng ibang tao. Ganun na ang kalakaran pag tumatanda ka na. Dapat kelangang seryosohin mo ang mga bagay na nakaatang sayo.-Trabaho, pamilya, problema,mga event na kelangan attend-nan at marami pang iba na talaga namang ikakasakit ng ulo mo. Sa pagtanda kasi natin, nawawala na ang mundong nilikha natin nung tayo pa’y bata. Paano nawawala? Untiunti iyong tinitibag ng reyalidad. hindi pala palaging good night at sweet dreams ang sistema. Maraming pagkakataon na laging may monsters sa ilalim ng mga kama natin. Dinadalaw tayo lagi ng mga nightmares kahit pa gamitan natin ito ng pagkadami daming mga dream catchers. Habang lumalaki tayo nabubuo satin na ang tunay na kulay ng mundo at kung ano talaga ang kalakaran ng reyalidad. Hindi pala cotton candy at milyong milyong lolllipops at nips pero meron rin palang ampalaya bits at kalamansi pure juices. Mapait at maasim ang mundo sa sarili nitong paraan. 

     Ngayon ko lang talaga napagtanto,masarap na masarap talagang maging bata. Parang eksena na lagi kang umiinom at kumakain ng mga gusto mo. Napapaligiran ka ng maraming Chuckie, ng Mister Donut, ng Yakult at milyong milyong cake mula sa Red Ribbon. Nagpapakabundat ka at kumakain ng matamis palagi,walang bahid ng problema, ng responsibilidad at ng reyalidad ng mapait,maasim at mapanghusgang mundo. Ganun ang mundo mo pag bata pero darating yung panahon na unti-unti kang masasaktan, mananakit ang iyong mga ngipin dala ng di mo pagtototbrush. Nabungal ka at nabulok ang iyong mga ngipin.

     Ito na yung panahon na kelangan mo ng iwanan ang buhay bata dahil hinuhubog ka na ng mapaglarong mundo. Kelangan mo ng magpabunot ng ngipin kaparehas ng pagbunot sa iyo ng iyong kainosentehan at pagiging bata. Dahan dahang tutubo ang bagong mga ngipin tulad ng pagtubo ng bagong mga ideyolihaya at mga pananaw  sa buhay pag tayo’y lumalaki na. Ang iba nagpupustiso na, tulad ng ibang tao na nagususot ng maskara dahil hindi makayanan ang mga bagong hamon ng kanilang buhay.

     Ang mga bagay siguro na nagpapangii sakin habang nagkakaisip ay iyong ideyang hindi lang ako lumalaki, kundi unti unti din akong nagkakaisip. Namumulat sa mga bagay na bago sakin; mga bagay na hindi mo malalaman at maiintindihan kung bata ka. Lumalakas ka at hindi ka na iyong uhuging bata na laging walang laban sa mga kalaro mong mga demonyito. Lumalawak ang dimensyon ng iyong mundo. Hindi nalang iyong bahay-bahayan ninyo ni Nene o yung Candy house ni Hansel at Gretel. hindi na ganun ang sakop mo. Bagkus, para kang si Alexander The Great na tagumpay na sumasakop ng iyong teritoryo.Kung sakin, pagmemedical ninja, pagsusulat at musika ang dimensiyon ko; iba naman ang sa iyo. Iba din ang sa ibang tao.Ganun ang nagyayari, at masaya ako na malaya tayo kung ano ang pwede nating gawin, kung ano man ang pwede nating gustuhin. Iyon nga lang hindi laging pabor lagi ang panahon satin. Kung bata tayo ay laging sunny day sa pagtanda natin minsan constant ang stormy days ganun talaga kasi ang kalakaran ng mundo at dahil matanda na tayo’t may isip alam na natin ang pait ng reyalidad.

     Sarap na sarap ang bata habang dinidilaan nito ang icecream na unti- unti ng natutunaw. Sana ganun din tayong mga matatanda mulat tayo sa katotohanan ng buhay pero pwede parin tayong kumain ng icecream at mamuhay sa Candy house. Sana… sana.. pero hindi eh, hindi ganun ang kalakaran ng makatotohanan at mapait na mundo ng reyalidad.Hindi sunny days,candies at  sweet lollipops ang kalakaran bagkus ampalaya bits, grow up, be responsible and die ang tema.

 

     Reality bites.Aray…

 

         

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by ninjacreatesbloggy at 5:14 pm | permalink

Previous Comments

welcome back sa blogosphere fred thirst..

aheks..parang super layo talaga ng ampalaya bits at lolipops ha..

hope to hear a lot from you soon..

^_______^

Posted by vanvan at April 23, 2009, 7:14 pm

“reality bites.” one of my fave expressions.

hindi talaga mapagkakaila na pag tumatanda na ang tao, mas lumalaki na ang mundo niya. mas maraming responsibilidad at obligasyon hindi lang sa sarili kundi pati sa pamilya, sa kapwa, at sa bansa.

iba ang mundo natin noong mga bata pa tayo. iba ang nakikita natin. at nagbabago ang mga iyon pag tumanda na.

dun papasok ang hamon sa atin. hindi naman tayo dadanas ng hirap at mga responsibilidad kung hindi natin ito kaya lalo na ang mga problema. hindi na tayo makakatakas o makakatago sa saya ng ating mga ina pag may dinadanas na tayong hirap. bilang “adult” natutunan natin lumaban.

masarap manatiling bata at manatili sa mundo ng pantasya; pero lahat ay nagbabago dahil yaon ang dapat.

marahil nakadepende na lang sa way of thinking ng tao kung paano niya dadalhin ang mga bagay-bagay na nararanasan niya sa pagtanda; kahanga-hanga ang mga matatanda na kahit ang komplikado ng buhay at ng mundo, nagagawa nila itong maging simple at sila’y nanatiling positibo. hindi sila mga weirdo na maituturing, magaling lang ang coping mechanisms nila dahil imbis na tumakbo sa mga “boogie man,” hinaharap nila ang mga ito.

Posted by kawaii mochi at April 27, 2009, 3:20 pm

“Naisip ko lang nakakainggit ang pagiging bata. Puno ng kasinosentehan, puno ng pag-asa, ng pangarap, ng buhay. Samantalang tayong mga may edad na at meron ng sariling pag-iisip ay puno ng agam-agam sa buhay.”

wala lng.. kinowt q lng.. hehehe

kung mnsan, nkakainis din mga bata.. kunwari me kausap k s fone, bgla clang iiyak.. xempre mgugulat ka at mumurahn m ung bata.. tas mariring ng kausap m.. minus points.. awttss

kung mnsan nman, mahrp clang ispelingen.. ung pinsan ko’ng paslit, ang weird.. ididisassemble nya ung lego.. tas iiyak.. tas lalap8 sakn pra i-assemble ko daw uli.. tapos iiyak.. tapos sa2bhng idisassemble ko.. tapos iiyak n nman.. o d b, ang weird??

mgpopost nga aq ng counter-post d2.. pero s perspective nman ng mga bata (kasi nman, bata p aq.. hahaha)

Posted by blognijet at June 10, 2009, 11:20 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








a ninja's avenue of expressing his ninja way of living and thoughts about LIFE.

     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   Jun »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Shinichi's archives

Shinichi Kiddo

is a 23 year-old bastard aspiring to be a professsional musician but failed to be one.(well i guess  his time to shine has not come yet)He thirsts for music badly.

He do cover songs of popular bands and do demo tapes and videos and loves submitting it to the youtube.

Shinichi's quite narcisistic and loves capturing himself in his Nokia phone.

He loves eating takoyaki,beef,pork or shark fin siomai. He recently tried sushi and eventually like it.Dumplings are the best.

He loves watching animes in the wee hours till dawn and reading mangas online. His favorite animes are deathnote,fate stay nite,shaman king,hunterxhunter,detective conan,btx,visions of escaflowne,darkknight and a lot more.

He has a sweet tooth.

Shinichi got his nome de plume in the anime detective conan where the lead's  character name was Shinichi Kudo. The "Kiddo" was suggested by his friend since Shinichi is childish.

He loves chinitas and chinitos since he's also one of them.

He dreams of living in Japan and learning the Japanese language.

He's a supporter of Bob Ong, Kokey Monster,Lio Loco,Jessica Zafra and Philippine Inquirer's Young Blood.

Shinichi's a medical ninja and currently practicing the medical ninja way of life.

He's afraid of ghosts and lizards(aww).

He's a puppy and pussy( I mean cat) lover.

His purpose of blogging was to inspire people and to inspire his self.

 

**Thank you for visiting and reading his site. Feel free to drop some comments, it will be deeply appreciated by Shinichi Kiddo.**

Shinichi's camera

shout box

ibcbet:

Cara sempurna untuk binatang buruan sandiwara ibcbet di mana di sandiwara seluruh di kenyamanan rumah anda.

sbobet:

Di mana anda bisa bertanding dengan binatang buruan dan informatif dan menggunakan penuh sbobet penggunaan di rumah anda. http://www.bolazoom.com/sbobet/sbobet-com/

agen bola:

Agen bola binatang buruan anda ada waktu untuk bermain di kenyamanan rumah anda di sini adalah situs web sempurna untuk bermain untuk.

taruhan bola:

Jika anda ada waktu untuk memainkan penjudian berkunjung di sini yang anda bisa menikmati taruhan bola. http://www.bolazoom.com/sportsbook/

Harga Jual Blackberry Iphone laptop murah:

Blog Walking Bro… http://www.belajaraffiliasi.co.tv/2011/03/harga-jual-blackberry-iphone-laptop.html

Get To Paid:

Online Job This is a brilliant and easiest way to have an extra income. Paid to Click (PTC) sites. The following sites pay you for clicking on advertisements and waiting for 30 seconds. These sites also pay for referring other people. The more people you refer, the greater your earning potential….100% spam FREEVisit the blog below: http://get2paid.blogspot.com/ *Read and understand the instructions in the blog.

hybrids cars:

i love you… so much.

Margarito vs Pacquiao:

Big Event this coming November 13, 2010 Watch the fight between Manny Pacquiao vs Antonio Margarito live stream http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

Philwebservices:

keep on posting…

Microstore Financement:

Keep updating so that people will keep coming back.
Microstore Financement

chorvacheorvamus:

may award ka sa site ko, magmadali baka may makakuha pang iba…=)

stupidient:

napadaan,, mgandang umaga,,

kris:

,hi kua. grbe d mapigilang sumilip ng mga mumunting tubig sa bintana ng aking mga mata.

hnd q rin alam qng bkt ..

ang weird noh?

paps:

thanks for dropin by.

kablogg:

nice blog. ayos.

pavisit naman ng blog q:

kablogg.i.ph

let me know what you think about it.

jet:

duuuuddddeee.. ngcomment aq s latest entry m.. :D pavisit din nung akin.. hehehe

herb:

just checking out.nice and interesting blog you got here dude.take care.just keep in touch.gtg

ninjacreatesbloggy:

uu, inaktib na yon bro.ito na ang bagong blog ko..nagpakaanonymous na ko d2 kasi delikado pla ang may nakakakilala sau..hehehe
maraming paparazzi..teka suot ko lng jaket ko..lmalakas ang hangin..hehehehe

blognijet:

inactib n b ung untamed? hehe.. bisitahn mu dn ung kay ebol a.. :D blog on

Shinichi Kiddo:

maramig salamat sa suporta parekoy.

Leave a message ▼