Home » Post Item » Realization Momentum
Realization Momentum
April 29, 2009Kanina pa ko naglalakad sa kahabaan ng downtown ng Dagupan City. At patuloy parin ako sa pagmumuni-muni sa mga bagay na aking napgtatanto. Naisip ko lang, darating pala yung oras na kahit na ayaw mong mag-isip- namamalayan mo nalang na ang isang bahagi ng iyong sarili ay unti -unti ng nagiging biktima ng iyong mapaglarong obserbasyon at imahinasyon. Para bang ikaw iyong alitaptap at ang paligid mo ang mapanuksong lampara. Ang lamparang sumilaw sa iyong manhid na pandama.
Sumakay ako ng jipney upang makapunta sa ospital.Kukunin ko kasi ang mga lab results ng isang malapit sa akin. Napagtanto ko na malalaman mo nalang talaga ang halaga ng isang tao, kung dumating iyong panahon na unti-unti nang nawawala ang apoy sa buhay nila. Sabi nga ng iba, pag dumating ang panahon na iyon makokonsidera na iyong learning experience at hindi ito makukuha ng 100% kung hindi mo ito masusubukan. Dagli akong namulat sa isang bagong rebelasyon ng malaman kong may dinaramdam ang isang taong mahalaga sa akin. Mas lalo ko siyang pinahalagahan at mas lalong pinag-ukulan ng pansin dahil sa nagyari. Hindi mo talaga alam kung gaano kabilis ang buhay at malalaman mo na lang na unti-unti na palang nauubos ang ningas at apoy ng iyong mga mahal dahil sa pagkakasakit.Dahan- dahang nawawala ang liyab.
Habang naglalakad ako, namulat ako sa hirap ng buhay. Habang pinagmamasdan ko ang mga ka-batch kong mukhang succesful na sa kani- kanilang piniling larangan. Hindi ko maiwasang hindi sundutin ng inggit. Inggit na sana ganun din ako. Subalit, ewan ko ba at kahit na wala akong balat sa puwet eh inaambunan pa rin ako ng kamalasan.(Hmmm..di naman siguro ano?) May naisip narin akong mga ideya kung bakit ganito parin ang takbo ng buhay ko ngayon. Una, siguro hindi lang talaga ako sumubok ng mas mabuti. Pero, hindi rin siguro kasi ginawa ko na halos lahat makahanap lang ng matatawag na matinong trabaho. Oops, hindi din pala lahat kasi kong ginawa ko na lahat sabi ng iba tiyak may trabaho na ako. Pangalawa, maaaring sinuwerte lang sila at ako hindi gaanong kasuwerte. Pero itigil na nga natin ang usapang swerte-malas na iyan, mas naniniwala kasi ako sa will ni Papa Jesuzzz at tamang diskarte sa buhay. Pangatlo, marahil nga nagkulang lang ako sa diskarte.Kahit na alin pa man ang tama sa ideya ko, (o kahit walang tama sa nabanggit)hindi ko parin matatakasan ang katotohanan na may trabaho nga akong matatawag, wala naman akong sweldo ni karampot na piso.
Bago ako kumain, napasilip ako sa salamin ng karenderyang pinagkakanan ko at naalala ang mga naggagandahan at nagkikisigang mga medical representatives na dumadalaw sa ospital na pinagtratrabahuan ko. Narealize ko na ayaw ko talagang maging panget. Ayoko din na nagmumukha akong matanda. Sinundot ako uli ng inggit dahil kabaliktaran talaga ng kalagayan nila ang kalagayan ko ngayon. P-U-MA-N-G-E-T ako sa madaling salita.Puno ng mantika at samut-saring tigidig ang nagpasasa sa mukha ko. In-allergy ako sa gamit kong sabon at nagkaroon ako ng pantal-pantal sa mukha. nagbalat ang aking mukha. Ayaw kong maging panget at di ko rin iyon pinangarap, narealize ko takot ako pag nangyari iyon.hehehe.. Isa itong wake up call para sa’kin.
Habang papuntas ako ng Dagupan City, nakakita ako ng isang askal. At naisip ko kung ano kaya ang opinyon nito sa mga naggagandahang breed ng aso na sisila ngayong “in” sa mata ng tao? Alam kong hindi pantay ang turing nating mga Pinoy sa mga foreign breeds at sa hamak na mga asong kalye lang. Habang nagpapakasasa ang mga Poodle, Terrier at iba pa sa mga de-klas na mga dog food; nagtitiis naman ang mga askal sa tira-tira at dugyot nating basura. Habang ang mga foreign breeds ay super at over sa ating pag-aalaga, ang mga askal nama’y biktima ng malupit at walang awang habas na pagkatay.- Asucena.Ang mga foreign breeds ay kasabay natin sa pagkain samantalang ang mga askal nama’y mistulang pinagkaitan ng karapatan at hustisya dahil sila na ang nagiging ulam at pulutan ng mga manginginom at namumulutan. Isang magandang halimbawa ng opresyong nangyayari sa mga mahihirap mula sa mga makapangyarihang nakatataas.
Narealize ko na maganda palang matuto at mamulat sa ating kapaligiran. Mapalad ang ilan ay nakukuha ito ng libre,ang iba, sandamakmak pang mga sugat ang inaabot mapagtanto lang ang dapat matutunan. Narealize ko na marami palang dapat matutunan maging bukas ka lang dapat at welcoming para matuto. Madali lang pag willing kang mag-obserba. Masarap pala matuto, masarap pala mabuhay pero minsan masakit din pala kung paano magturo ang buhay lalo na sa kagaya kong may katigasan(ang ulo). Masakit pero iyon iyong mga bagay na hinding- hindi mo makakalimutan. Narealize ko lang.
Previous Comments
dude naggng aktibista k n a.. ^^ hehehehe
Posted by blognijet at April 30, 2009, 7:59 amkaya madalas ayoko nung napag-iisa ako at napag-oobserba sa paligid..kasi dun ko narerealize ang mga bagay na hindi ko pa naaabot at nakakapanibugho ako sa aking mga kakulangan..
pero oks parin naman un..
always count ur blessings naman daw..
aheks..
Posted by vanvan at May 7, 2009, 6:33 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




…aheks..salamat sa greetings parekoy!
maya na ako makikimomentum sa yo dahil sasagarin ko muna ang aking happy birthday!
yahoo!
Posted by vanvan at April 29, 2009, 5:54 pm