Home » Archives » 10. June 2009
Ang Amag,El Nino at ang mga Tala
June 10, 2009Oo,. tama ka ng nabasa, El Nino na ata ang magulong utak ko dahil tigang na tigang na ito sa katas ng paglikha ng magandang aritkulong inyong mababasa. Sabagay , may dahilan naman ako kaya biglang hiatus ang drama ko.Naging busy naman ako sa hospital duty at wala na akong time para magsulat pa dahil pagod at pagal na ang aking katawan… hahaha. Like krezei, its like i was raped ng paulit ulit kaya biglang napagod hahaha pero joke lng..
Sabagay, pag busy ka talaga busy ka talaga wala ka ng magagawa dun lalo pa’t isa kong medical ninja. Walang araw na walang pasok at laging on -call ka sa trabaho. Pumayat na nga ako dahil sa katoxican ng hospital subalit ngunit datapwat hahaha bagamat full suport ang aking serbisyo nanatili paring wala akong sahod ni singkong duling. Ang sama noh? kaya nga siguro nagtataka ka ngayon bakit mayron na akong oras para gumawa ng ganito? Tama, hula mo RESIGNED na ko sa trabaho.
Di lang pala, utak ko ang inaamag na pati carreer ko inamag at in- El Nino na din. Kung pwde lang magmura ginawa ko na pero di na ko tulad ng dati na walang kiyeme at walang pakundangan ang pagmumura sa kapwa,sa aso, at kahit sino pa. Iba na kasi ngayon, nabago na ang standards ng aba ninyong lingkod. Good boy na ‘to mga tolits!!! Kaya naman maingat na ako sa pagsasalita ngayon- I’m a considerate man na po ngayon.hehehe. EL Nino talaga ang buhay ko ngayon, dati kasi yuppie ako as in young professional pero ngayon bigla biglang nademote ako sa pagiging P.T(di patay gutom ha pero medyo malapit lapit na) as in Professional Tambay. Ayaw ko namang isisi kay Pangulong GMA at alam ko namang marami na siyang alalahanin sa buhay. ika nga ENOUGH IS ENOUGH. Para nga talagang gulong ang buhay hanu po…(labas sa ilong eh) minsan sa taas minsan sa baba.. pero siyempre sabi nga ni Noel Cabahug ; pana-panahon lang yan…
Makaemote na nga lang at umadlib ng, ” Bukas luluhod din ang mga tala.. “


